MAYO 13, 2024
BRAZIL
Binaha ang Timog na Bahagi ng Brazil Dahil sa Malakas na Pag-ulan
Simula Abril 28, 2024, binaha ang estado ng Rio Grande do Sul sa timog na bahagi ng Brazil dahil sa malakas na pag-ulan. Nagpatuloy ang malakas na pag-ulan sa loob ng ilang araw kaya nagkaroon ng malawakang pagbaha. Nahirapang lumikas ang marami dahil sa nasirang mga kalsada at mga tulay. Tinatayang mahigit 2.1 milyon ang apektado. Sa kasalukuyan, mahigit sa 125 ang iniulat na nawawala at di-kukulangin sa 147 ang namatay.
Epekto sa mga Kapatid
Nakakalungkot, isang brother, isang sister, at isang may-edad na mag-asawa ang namatay
1,544 na kapatid ang inilikas
2 bahay ang nawasak
155 bahay ang nasira nang husto
483 bahay ang bahagyang nasira
3 Kingdom Hall ang nasira nang husto
10 Kingdom Hall ang bahagyang nasira
Relief Work
Isang Disaster Relief Committee (DRC) ang inatasang tumulong sa mga kapatid sa naapektuhang lugar. Nagpunta ang mga miyembro ng DRC sa apektadong lugar para tumulong sa pamamahagi ng mga suplay at magbigay ng pampatibay-loob mula sa Bibliya
Pinapatibay ng mga tagapangasiwa ng sirkito at lokal na mga elder ang mga kapatid na biktima ng sakuna at binibigyan sila ng praktikal na tulong
Hinahanapan ng matutuluyan ng mga pamilyang Saksi na nasa mas ligtas na lugar ng bansa ang nagsilikas na mga kapatid
Habang nagpapatuloy ang baha at pagkawasak, dalangin natin na patuloy sanang maging ‘tanggulan sa panahon ng pagdurusa’ si Jehova ng ating mga kapatid sa Brazil.—Awit 37:39.