HUNYO 24, 2019
ECUADOR
Guayaquil, Ecuador—“Ang Pag-ibig ay Hindi Kailanman Nabibigo”! 2019 Internasyonal na Kombensiyon
Petsa: Hunyo 14-16, 2019
Lokasyon: Estadio Monumental Banco Pichincha sa Guayaquil, Ecuador
Wika ng Programa: Ecuadorian Sign Language, English, Spanish
Pinakamataas na Bilang ng Dumalo: 53,055
Bilang ng Nabautismuhan: 702
Bilang ng Delegado Mula sa Ibang Bansa: 5,300
Mga Sangay na Imbitado: Argentina, Belgium, Bolivia, Central America, Colombia, Cuba, Kazakhstan, Korea, Moldova, Myanmar, Poland, Spain, United States
Karanasan: Sinabi ni José Francisco Cevallos, presidente ng Barcelona Sporting Club at may-ari ng istadyum: “Mula noon, hindi pa kami nagkakaproblema kapag kombensiyon n’yo. Patunay iyan ng inyong mabuting paggawi at pagiging maayos, at nakikita namin iyan sa lahat ng kombensiyon n’yo. Hindi madaling mag-organisa ng ganitong event, pero lagi ninyo itong nagagawa nang napakaayos. Mabubuting tao kayo—edukado, mabait, magalang, at organisado. Irerekomenda namin sa anumang lunsod at bansa na i-host ang mga Saksi ni Jehova.”
Mga delegado na nagpapa-picture habang nasa Bethel sa Ecuador
Mga kapatid sa Ecuador na sinasamahan ang mga delegado sa ministeryo
Mga delegado na umaawit sa unang araw ng kombensiyon
Ilan sa 702 bagong kapatid na nagpapabautismo
Mga delegadong kumukuha ng nota sa panahon ng sesyon
Mga delegadong nagpi-finger heart, simbolo ng pag-ibig sa Korea
Si Brother Kenneth Cook, miyembro ng Lupong Tagapamahala, sa huling pahayag ng kombensiyon noong Sabado
Mga delegadong nasa pantanging buong-panahong paglilingkod na kumakaway sa huling araw ng kombensiyon
Mga kapatid na taga-Ecuador na nagpe-perform para sa mga delegado noong special evening gathering