Pumunta sa nilalaman

PEBRERO 3, 2021
INDONESIA

Matinding Pagbaha sa Indonesia

Matinding Pagbaha sa Indonesia

Lokasyon

South Kalimantan, North Sulawesi, at North Moluccas

Sakuna

  • Dahil sa matinding pagbaha at mga landslide noong kalagitnaan ng Enero 2021, marami ang napinsala at kinailangang lumikas

Epekto sa mga kapatid

  • Mga 90 kapatid ang lumikas

Pinsala sa ari-arian

  • 3 bahay ang bahagyang nasira

Relief work

  • Agad na tumulong ang mga elder sa paglikas ng mga kapatid. Gumawa rin sila ng mga kaayusan para mabigyan ng tuluyan, pagkain, at iba pang pangangailangan ang mga kapatid

  • Tumulong ang mga kapatid sa lugar na iyon sa paglilinis at pag-aayos ng mga nasirang bahay

  • Gamit ang Bibliya, pinatibay ng mga tagapangasiwa ng sirkito ang mga kapatid na naapektuhan ng sakuna

  • Ang lahat ng ginawang relief work ay kaayon ng mga safety protocol para sa COVID-19

Nagpapasalamat tayo kay Jehova sa paglalaan ng mapagmahal na mga kapatid “kapag may problema.”—Kawikaan 17:17.