Pumunta sa nilalaman

Malaking pinsala ang iniwan ng lindol sa Indonesia

NOBYEMBRE 23, 2022
INDONESIA

Niyanig ng Lindol ang Indonesia

Niyanig ng Lindol ang Indonesia

Noong Nobyembre 21, 2022, niyanig ng 5.6 magnitude na lindol ang lugar na malapit sa lunsod ng Cianjur sa West Java, Indonesia. Mahigit 260 katao ang namatay at daan-daan ang nasugatan. Marami ang iniulat na nawawala, at libo-libo ang lumikas. Mahirap ang komunikasyon dahil maraming lugar ang nawalan ng kuryente.

Epekto sa mga Kapatid

  • Walang kapatid na namatay, at walang nawawala sa 132 kapatid sa lugar na iyon

  • 5 bahay ang bahagyang napinsala

  • Walang Kingdom Hall o Assembly Hall na nasira

Relief Work

  • Isinaayos na may isang mamamahayag na tutulong sa bawat may-edad na kapatid kapag lumindol uli

  • Isang Disaster Relief Committee ang inatasang tumulong sa mga kongregasyon

  • Dinadalaw ng mga tagapangasiwa ng sirkito ang naapektuhang mga kongregasyon para patibayin sila

  • Sinunod ng lahat ng tumulong ang safety protocol para sa COVID-19

Nagtitiwala tayo na tutulungan ni Jehova ang mga kapatid natin sa mahirap na panahong ito.—Awit 50:15.