Pumunta sa nilalaman

Isang shopping mall na napinsala ng lindol sa General Santos City, Pilipinas

NOBYEMBRE 23, 2023
PILIPINAS

Tinamaan ng Malakas na Lindol ang Pilipinas

Tinamaan ng Malakas na Lindol ang Pilipinas

Noong Nobyembre 17, 2023, nagkaroon ng magnitude 6.7 na lindol sa Pilipinas. Nasa ilalim ng dagat ang epicenter ng lindol, mga 26 na kilometro sa timog ng Mindanao. Maraming gusali sa Davao Region, General Santos City, at Sarangani ang napinsala. Kasama na rito ang mga pasilidad ng gobyerno, paaralan, at shopping mall. Marami ring bahay ang nasira.

Epekto sa mga Kapatid

  • Nakakalungkot, 1 sister ang namatay

  • 10 kapatid ang nasugatan. Kasama na rito ang asawa ng isang tagapangasiwa ng sirkito na dinala sa ospital pero nasa mabuting kalagayan na

  • 4 na bahay ang matinding napinsala

  • 4 na bahay ang bahagyang napinsala

  • 2 Kingdom Hall ang bahagyang napinsala

Relief Work

  • Isang Disaster Relief Committee ang inatasang mangasiwa sa relief work

  • Pinapatibay at tinutulungan ng mga tagapangasiwa ng sirkito at lokal na mga elder ang mga naapektuhan

Ipinapanalangin natin ang mga kapatid na naapektuhan ng lindol na ito. Nagpapasalamat din tayo sa mga kapatid na tumutulong sa kanila. Sigurado tayo na kahit nabubuhay na tayo sa mahirap na panahon ngayon, tutulungan tayo ng Diyos na Jehova, ang ating Bato, na makapagtiis.​—1 Samuel 2:2.