Pumunta sa nilalaman

Si Brother Yevgeniy Sokolov

HULYO 15, 2024
RUSSIA

Brother Yevgeniy Sokolov, Hinatulang May-sala sa Ikalawang Kasong Kriminal

Brother Yevgeniy Sokolov, Hinatulang May-sala sa Ikalawang Kasong Kriminal

Noong Mayo 29, 2024, hinatulan ng Zeyskiy District Court of the Amur Region si Brother Yevgeniy Sokolov ng tatlong-taóng suspended prison sentence. Hindi siya makukulong sa ngayon.

Ito ang ikalawang kasong kriminal laban kay Yevgeniy. Sa unang kaso, may kasama siyang siyam na iba pang brother, at kasalukuyan itong inaasikaso sa lunsod ng Voronezh, kung saan nakatira ngayon si Yevgeniy.

Ganito ang sinabi ni Yevgeniy kung ano ang nakatulong sa kaniya na magtiis: “Natutuhan kong magtiwala at lubusang umasa kay Jehova. Alam kong mas mahusay na malulutas ni Jehova ang anumang problema kaysa sa akin. Ang paraan niya ang pinakamagaling.”

Gaya ni Yevgeniy, patuloy sana nating sabihin kay Jehova: “Ikaw ang kanlungan ko,” na nagtitiwalang lagi niyang ilalaan ang tulong na kailangan natin.—Awit 142:5.

Time Line

  1. Disyembre 15, 2022

    Sinampahan ng kasong kriminal si Yevgeniy sa ikalawang pagkakataon nang hindi niya alam

  2. Setyembre 22, 2023

    Nalaman ni Yevgeniy ang ikalawang kasong kriminal laban sa kaniya. Pinagtatanong at inakusahan na “naghahanda at nagdaraos ng relihiyosong mga miting”

  3. Abril 22, 2024

    Nagsimula ang paglilitis

  4. Mayo 29, 2024

    Nahatulan ng tatlong-taóng suspended prison sentence