Pumunta sa nilalaman

ENERO 7, 2021
TAJIKISTAN

Korte ng Militar sa Tajikistan, Sinentensiyahan si Brother Rustamjon Norov ng Tatlo’t-Kalahating-Taóng Pagkabilanggo

Korte ng Militar sa Tajikistan, Sinentensiyahan si Brother Rustamjon Norov ng Tatlo’t-Kalahating-Taóng Pagkabilanggo

Noong Enero 7, 2021, sinentensiyahan ng korte ng militar sa Tajikistan si Brother Rustamjon Norov ng tatlo’t-kalahating-taóng pagkabilanggo dahil sa pagtangging magsundalo udyok ng konsensiya.

Bago ibaba ang hatol, binigyan ng pagkakataon si Rustamjon na makapagsalita sa korte. Lakas-loob niyang sinipi ang ilang teksto sa Bibliya para ipaliwanag kung bakit siya tumatangging maglingkod sa militar. Sinabi rin niya kung ano ang nakatulong sa kaniya na manatiling matatag.

Sinipi niya ang Filipos 4:13: “May lakas akong harapin ang anumang bagay dahil sa kaniya na nagbibigay ng kapangyarihan sa akin.” Sinabi pa niya: “Sa lahat ng pinagdaanan ko ngayon, dama ko na kasama ko ang Diyos na Jehova, at binigyan niya ako ng lakas na huwag sumuko o panghinaan ng loob, at na maging masaya at laging ngumiti. Talagang nagpapasalamat ako, at proud ako na naglilingkod ako sa kaniya bilang isa sa kaniyang mga Saksi.”