Pumunta sa nilalaman

MARSO 19, 2021
TAJIKISTAN

UN Human Rights Committee, Hiniling na Palayain si Brother Shamil Khakimov

UN Human Rights Committee, Hiniling na Palayain si Brother Shamil Khakimov

Noong Marso 19, 2021, hiniling ng UN Human Rights Committee (CCPR) sa Tajikistan na gumawa agad ng aksiyon para maprotektahan ang kalusugan ng 70-taóng-gulang na si Brother Shamil Khakimov. Nakulong ang may-sakit nating kapatid noong Pebrero 2019 dahil sa pagsasagawa ng relihiyosong gawain. Hiniling ng CCPR sa mga awtoridad sa Tajikistan na ilipat si Brother Khakimov sa isang specialized medical institution, at na bigyan siya ng ibang parusa habang nakabinbin pa ang kaso niya sa CCPR.