TAMPOK NA MGA PANGYAYARI NOONG NAKARAANG TAON
Mga Legal na Usapin
Legal na Pagpaparehistro
Hindi kailangan ng mga Saksi ni Jehova na legal na mairehistro para magsagawa ng relihiyosong gawain. Pero ipinahihintulot ng pagpaparehistro na makapagmay-ari o makaupa tayo ng mga ari-arian para sa mga pulong at makapagpasok ng relihiyosong mga literatura sa bansa.
-
Noong 2004, binuwag ng mga korte sa Russia ang legal na korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova sa Moscow. Kaya tumindi ang panggigipit sa mga kapatid natin doon. Naging biktima sila ng pangha-harass ng mga pulis at pananakit ng mga tao habang nasa ministeryo. Kinakansela rin ang mga kontrata nila sa pagrenta kaya wala silang mapagpulungan. Sa isang desisyon ng European Court of Human Rights (ECHR) noong 2010, napatunayan na nilabag ng Russia ang karapatan ng mga Saksi ni inirehistro ng Moscow Department of the Russian Federation Ministry of Justice ang bagong Local Religious Organization ng mga Saksi ni Jehova sa Moscow.
Jehova sa Moscow at inutusang ibalik ang kanilang legal na korporasyon. Nalulugod kaming iulat na noong Mayo 27, 2015,
Pagbubuwis
Ang mga legal na korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig ay karaniwang eksemted sa buwis, gaya ng karamihan sa mga organisasyon ng relihiyon at pagkakawanggawa. Pero kung minsan, ayaw kilalanin ng mga gobyerno ang eksemsiyon nating ito.
-
Sa Sweden, iginigiit ng mga awtoridad na ang Bethel ay isang negosyo na “nagpapatrabaho” sa mga Bethelite at hindi isang relihiyosong komunidad ng pantanging buong-panahong mga ministro. Libo-libong euro ang ipinataw na buwis sa Bethel at sa indibiduwal na mga Bethelite. Para malutas ang isyu, ang mga Saksi sa Sweden ay nagpetisyon sa lokal na mga korte at nagsumite ng anim na magkakahiwalay na petisyon sa ECHR.
Neutralidad at Pagtangging Magsundalo Dahil sa Budhi
Mahigpit na sinusunod ng bayan ni Jehova ang utos ng Bibliya na ‘pukpukin ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod’ at huwag ‘mag-aral ng pakikipagdigma.’ (Isa. 2:4) Nananatili silang neutral kahit walang ibinibigay na alternatibong serbisyong pansibilyan ang ilang gobyerno.
-
Hindi kinikilala sa kasalukuyang batas ng South Korea ang karapatang tumangging magsundalo dahil sa budhi. Sa nakalipas na 60 taon, mahigit 18,000 brother ang ibinilanggo dahil sa pagtangging magsundalo. Halos lahat ng Saksi sa bansa ay may kaibigan o kapamilyang nabilanggo. Noong 2004 at 2011, pinanindigan ng Constitutional Court ng South Korea na ang gayong pagbibilanggo ay ayon sa konstitusyon. Pero noong Hulyo 2015, nagkaroon ng paglilitis ang Korte para suriing muli ang isyu. Idinadalangin ng mga Saksi ni Jehova sa buong mundo na matuldukan
na ng isang resolusyon ang matagal nang isyung ito ng pagbibilanggo sa mga kabataang brother sa South Korea dahil sa kanilang pananampalataya. -
Tatlong Saksi ni Jehova sa Eritrea ang 22 taon nang nakabilanggo dahil sa pagtangging magsundalo udyok ng budhi. Sina Paulos Eyassu, Negede Teklemariam, at Isaac Mogos ay hindi kailanman kinasuhan ni nagkaroon man sila ng pagkakataong ipagtanggol ang kanilang sarili sa korte. Kasama ng mahigit 50 iba pang kapatid, nananatili silang tapat sa kabila ng malupit na pagtrato at kaawa-awang kalagayan sa bilangguan. Nakatitiyak tayo na naririnig ni Jehova ang “pagbubuntunghininga” ng mga nakabilanggo dahil sa kanilang pananampalataya at kikilos siya para sa kanila.—Awit 79:11.
-
Sa Ukraine, ipinatawag si Vitaliy Shalaiko noong Agosto 2014 para magsundalo sa panahon ng mobilisasyon, o habang naghahanda sa digmaan. Kahit na tumanggi siyang magsundalo, sinabi niyang handa siyang gumawa ng alternatibong serbisyong pansibilyan. Pinaratangan ng prosecutor si Brother Shalaiko ng pag-iwas sa pagsusundalo sa panahon ng mobilisasyon, pero napatunayan ng trial at appeal court na wala siyang sala. Nangatuwiran ang appeal court na ang pagsasaalang-alang sa seguridad ng Estado ay hindi nagbibigay-katuwiran para limitahan ang mga karapatan, at na “ang karapatang tumangging magsundalo dahil sa budhi ay hindi nalilimitahan ng interes ng pambansang seguridad.” Umapelang muli ang prosecutor. Pero noong Hunyo 23, 2015, pinagtibay ng High Specialized Court of Ukraine for Civil and Criminal Cases ang desisyon ng mababang mga hukuman. Pinatutunayan nito na ang karapatang tumangging magsundalo dahil sa budhi at ang karapatan sa alternatibong serbisyo ay kinikilala maging sa panahon ng kagipitan ng bansa.
Hinggil sa positibong kinalabasan ng kaso, sinabi ni Brother Shalaiko: “Napatibay ako ng mga salita sa Jeremias 1:19. Nakahanda ako anuman ang magiging resulta—ang pinakamahalaga ay maging tapat kay Jehova. Alam kong hindi niya ako pababayaan at bibigyan niya ako ng lakas para makapanatiling tapat. Pero hindi ko inaasahan ang mga resulta. Napawalang-sala ako sa tatlong korte. At habang nasa mga paglilitis, nadama ko ang suporta ng mga kapatid. Hindi ko kailanman nadama na pinabayaan ako.”
Neutralidad at mga Seremonyang Makabayan
Hamon din sa Kristiyanong neutralidad ang mga seremonyang makabayan. Maaaring gipitin ng mga awtoridad ng paaralan ang mga kabataan na ikompromiso ang kanilang katapatan kay Jehova sa pamamagitan ng pagpilit sa mga estudyante na umawit ng pambansang awit o sumaludo sa bandila.
-
Sa Karongi District ng Rwanda, pinaratangan ng mga opisyal ng paaralan ang ilang estudyanteng Saksi ng kawalang-galang sa pambansang awit dahil tumanggi silang awitin ito. Pinatalsik sila sa paaralan at ipinakulong pa nga. Noong Nobyembre 28, 2014, pinawalang-sala ng Intermediate Court of Karongi ang mga estudyante at ipinasiyang hindi kawalang-galang ang pagtanggi nilang umawit ng pambansang awit. Sa ibang mga bansa sa Aprika, tulad ng Cameroon, Democratic Republic of Congo, Equatorial Guinea, at Malawi, napaharap sa katulad na isyu ang mga kabataang Saksi at sa ilang kaso ay pinatalsik din sa paaralan. Sinisikap ng mga kapatid natin sa mga bansang ito na ipaalam sa mga opisyal ng gobyerno at administrador ng mga paaralan ang neutral na paninindigan ng mga Saksi ni Jehova.
-
Noong Disyembre 2013, dalawang estudyanteng Saksi sa isang pampublikong paaralan sa Lepaera, Honduras, ang pinagkaitan ng high school diploma dahil sa pagtangging umawit ng pambansang awit at manumpa ng katapatan sa bandila. Para malutas ang problema, dalawang abogadong Saksi ni Jehova ang humarap sa kinatawan ng Ministry of Education at ibinahagi ang mga legal na parisan mula sa ibang bansa na sumusuporta sa paninindigan ng mga estudyanteng Saksi. Mabait naman ang opisyal at pinayagan ang mga estudyante at ang mga magulang nila na isulat ang kanilang paninindigan at iharap ito sa legal director ng Secretariat of Education sa Honduras. Matapos suriin ang kanilang reklamo, naglabas ito ng direktiba noong Hulyo 29, 2014, na nagsasabing ang edukasyon ay “dapat na available sa [lahat ng nasa] lipunan nang walang anumang pagtatangi” at nag-utos na bigyan ng diploma ang mga estudyanteng Saksi.
Diskriminasyon ng Gobyerno
Sa bawat bansa, sinusunod nating mga Saksi ni Jehova ang utos ni Jesus na ibahagi ang mabuting balita ng Kaharian sa ating kapuwa, magtipon para sa pagsamba kasama ang mga Gawa 15:20; Deut. 6:5-7) Kung minsan, dahil sa pagsunod natin sa mga utos na ito, nagkakaproblema tayo sa mga awtoridad ng gobyerno na hindi nakauunawa sa paninindigan natin.
kapananampalataya, at regular na mag-aral ng Salita ng Diyos. Sineseryoso rin natin ang utos ng Bibliya na ikintal ang mga kautusan ni Jehova sa puso ng ating mga anak at “umiwas . . . sa dugo.” (-
Sa estado ng Florida, E.U.A., ipinagkaloob ng isang hukom ng korte sa di-Saksing ina ang karapatang magturo ng relihiyon sa kaniyang tatlong anak. Ang Saksing ama ay inalisan naman ng karapatang maglaan ng relihiyosong pagsasanay na salungat sa relihiyong Katoliko. Umapela ang ama, at noong Agosto 18, 2014, binaligtad ng appeal court ang paghihigpit ng trial court. Salig sa dati nang mga desisyon, isinulat ng korte: “Ang paghihigpit sa karapatang magturo ng relihiyon ng isang magulang na walang kustodiya sa kaniyang anak ay paulit-ulit na ibinabasura kapag walang malinaw na ebidensiya na ang mga relihiyosong gawain ay makapipinsala sa bata.”
Ang desisyong iyon ay nagbibigay ng karapatan sa mga anak na matuto mula sa kapaki-pakinabang na mga instruksiyon at patnubay ng Diyos na Jehova. Sumusulong silang lahat sa espirituwal habang nakikisama sa lokal na kongregasyon. Sinabi ng ama: “Ang pagbabata sa sitwasyong ito ay talagang nakatulong sa akin. Nasubok ang pananampalataya ko kamakailan, pero tinulungan ako ni Jehova na maging matatag! Alam ko na ang pag-uusig ay kaakibat ng ating desisyong paglingkuran si Jehova.”
-
Sa Namibia, napaharap sa matinding hamon ng katapatan si Sister Efigenia Semente, na may tatlong anak. Nang ipanganak niya sa ospital ang kaniyang ikatlong anak, nagkaroon siya ng komplikasyon, at ilan sa staff ng ospital pati na ang kaniyang di-Saksing kapamilya ay kumuha ng court order para sapilitan siyang salinan ng dugo. Buong-tapang na tinanggihan ni Sister Semente ang pagsasalin at gumawa siya ng legal na aksiyon para ipagtanggol ang kaniyang karapatang pumili ng panggagamot. Noong Hunyo 24, 2015, kinatigan ng Korte Suprema ng Namibia si Sister Semente at sinabing “ang karapatang pumili ng dapat at di-dapat gawin sa katawan ng isa, magulang man o hindi, ay isang di-matututulang karapatang pantao.” Sinabi ni Sister Semente: “Higit naming nadama ang pag-alalay ni Jehova. Napakasarap maging bahagi ng kapatirang ito. Talagang nagmamalasakit si Jehova.”
-
Ang mga Saksi sa Switzerland ay nasisiyahan sa pampublikong pagpapatotoo sa lansangan ng pangunahing mga lunsod. Gayunman, naglabas ng utos ang lunsod ng Geneva na nagbabawal sa paggamit ng “mga stand na tuwiran o di-tuwirang nagpapalaganap ng impormasyon sa publiko tungkol sa relihiyon.” Naghain ng reklamo sa korte ang mga Saksi, at idiniin nila na ang pagbabawal sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa relihiyon gamit ang mga stand ay “malinaw na paglabag sa kalayaan sa relihiyon at opinyon.” Sumang-ayon ang korte, at sa tulong ng lokal na mga awtoridad, nakapagsaayos ang mga Saksi ng wastong lokasyon at oras para sa pampublikong pagpapatotoo gamit ang mga information stand.
-
Pinatindi ng mga opisyal ng gobyerno sa Azerbaijan ang pagsisikap na hadlangan ang relihiyosong gawain ng mga Saksi ni Jehova. Regular na ipinatatawag ng Ministry of National Security ang indibiduwal na mga Saksi para kuwestiyunin. Hinahalughog pagditine ng mga tauhan ng Ministry of National Security noong Pebrero 2015 sa dalawang Saksing sina Irina Zakharchenko at Valida Jabrayilova dahil lang sa pagbabahagi nila sa iba ng turo ng Bibliya. Bagaman nalulungkot tayo sa gayong pagmamaltrato, natutuwa tayo na napananatili ng mga mamamahayag sa Azerbaijan ang kanilang sigasig at lakas ng loob na ibahagi ‘ang mabuting balita ng kaharian’ sa kanilang kapuwa.—Mat. 24:14.
din ng ahensiyang ito ang tahanan ng mga Saksi para maghanap ng relihiyosong literatura na ipinagbabawal ng Estado na ipasok sa bansa. Ikinagulat ng internasyonal na komunidad ang -
Ang mga Saksi ni Jehova sa Russia ay napapaharap sa walang-tigil na pakikialam ng gobyerno sa kanilang relihiyosong gawain. Sa kabuoan, 80 relihiyosong publikasyon ng mga Saksi ni Jehova ang idineklarang “ekstremista” ng Russian Federation. Ibig sabihin, ang pamamahagi o pagmamay-ari ng mga kopya ng alinman sa “ekstremistang” mga publikasyong ito, tulad ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, ay ilegal. Karagdagan pa, noong Disyembre 2014, ang ating website na jw.org ay idineklarang “ekstremista” ng Russian Federation Supreme Court. Ang pag-access sa jw.org ay bina-block ng mga Internet provider sa buong Russia, at itinuturing na ilegal ang pagpo-promote sa website. Mula noong Marso 2015, hindi na pinapasok ng customs ang anumang kargamento na naglalaman ng literatura ng mga Saksi, pati na ang mga Bibliya at literaturang dati nang nasuri ng mga korte ng Russia at idineklarang hindi ekstremista.
Patuloy na ipinaglalaban ang mga kaso sa lunsod ng Taganrog, kung saan 16 na mamamahayag ang sinampahan ng kasong “krimen” dahil sa pag-oorganisa at pagdalo sa mga relihiyosong pagpupulong. Sa lunsod ng Samara, ang mga awtoridad ay kumuha ng court order para buwagin ang ating legal na korporasyon dahil lang sa ito ay itinuturing na “ekstremista.” Sa kabila ng ganitong mga hamon, determinado ang mga kapatid natin sa Russia na huwag sumuko at patuloy na ibigay “sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos.”—Mat. 22:21.