Paano Kung Ako na Lang ang Laging Nakikita?
KABANATA 21
Paano Kung Ako na Lang ang Laging Nakikita?
“Parang detektib ang nanay ko—lagi na lang siyang nakabuntot sa ginagawa ko. Hindi pa man ako natatapos sa ipinagagawa niya, nag-iinspeksiyon na siya at naghahanap ng maipupuna.”—Craig.
“Sabi ng nanay at tatay ko, hindi ko raw maayus-ayos ang buhay ko. Lagi na lang nila akong sinesermunan tungkol sa eskuwela, sa bahay, at sa kongregasyon—ayoko na!”—James.
PARA bang wala ka nang ginawang tama sa paningin ng mga magulang mo? Pakiramdam mo ba’y palagi na lang nilang sinusubaybayan ang bawat kilos mo at hindi ka makaabot sa inaasahan nila sa iyo?
Alin ang pinakamadalas mong marinig?
□ Ang gulu-gulo ng kuwarto mo!
□ Lagi ka na lang nakababad sa TV!
□ Ang hilig-hilig mong magpuyat!
□ Lagi ka na lang tanghaling gumising!
Isulat sa ibaba ang pinakaayaw mong marinig na sermon o puna ng iyong mga magulang.
․․․․․
Totoo, baka marindi ka na sa dami ng utos at puna sa iyo. Pero kung hindi ka naman pinapayuhan o dinidisiplina ng mga magulang mo, hindi kaya maisip mong wala na silang pakialam sa iyo? (Hebreo 12:8) Oo, ang disiplina ay tanda na mahal ka ng mga magulang mo. Sinasabi ng Bibliya na dinidisiplina ng ama ang “anak na kaniyang kinalulugdan.”—Kawikaan 3:12.
Kaya dapat mo pa ngang ipagpasalamat na nagmamalasakit sila sa iyo at itinutuwid ka nila! Bata ka pa kasi at kulang sa karanasan. Tiyak na kakailanganin mo ang pagtutuwid nila. Kung walang didisiplina sa iyo, madali kang madaraig ng “mga pagnanasa na kaakibat ng kabataan.”—2 Timoteo 2:22.
Pero Sumasamâ ang Loob Ko!
Siyempre, “walang disiplina ang waring sa kasalukuyan ay nakagagalak, kundi nakapipighati.” (Hebreo 12:11) Totoo ito lalo na kung bata ka pa. At hindi ito kataka-taka! Kasi, nagbabago pa ang personalidad mo. Ngayon mo pa lang nakikilala ang iyong sarili. Kaya kapag napagsabihan ka—kahit tama naman ito at sinabi sa malumanay na paraan—baka sumamâ pa rin ang loob mo.
Normal lamang na maging ganiyan ang reaksiyon mo. Kasi, may malaking epekto ang komento ng iba tungkol sa iyo,
lalo na kung galing ito sa mga magulang mo—puwede nitong mabawasan o madagdagan ang kumpiyansa mo sa sarili. Kaya kapag napagsasabihan ka ng mga magulang mo, maaaring sumamâ talaga ang loob mo.Dapat mo bang isipin na wala ka nang ginawang tama o wala ka nang silbi dahil may napuna lamang sa iyo ang iyong mga magulang? Hindi. Lahat naman tayo ay nagkakamali. (Eclesiastes 7:20) At may aral tayong natututuhan sa ating mga pagkakamali. (Job 6:24) Pero paano kung waring puro na lang mali ang nakikita nila sa iyo at parang bale-wala ang ginagawa mong tama? Talagang masakit iyon. Pero hindi mo pa rin dapat isipin na wala ka nang silbi.
Bakit Ka ba Napupuna?
Minsan, nagiging masyadong mapamuna ang mga magulang hindi dahil may nagawa kang mali, kundi masama lang kasi ang timpla nila. Hindi kaya pagod lang ang nanay mo? Baka masama ang pakiramdam niya kaya agad siyang nakunsumi nang makita niyang magulo ang kuwarto mo. Mainit ba ang ulo ng tatay mo dahil sa dami ng bayarin sa bahay? Baka iyan ang dahilan kung kaya nakapagsalita siya nang di-pinag-iisipan na “gaya ng mga saksak ng tabak.” (Kawikaan 12:18) Totoo namang nakasasamâ ng loob kapag napupuna ka nang walang dahilan. Pero hangga’t iniisip mong wala ka namang ginawang mali para pagalitan ka nila, lalo lamang sasamâ ang loob mo. Kaya pagpasensiyahan mo na lang sila. Tandaan: “Tayong lahat ay natitisod nang maraming ulit. Kung ang sinuman ay hindi natitisod sa salita, ang isang ito ay taong sakdal.”—Santiago 3:2.
Hindi perpekto ang mga magulang mo, kaya nararamdaman din nilang may pagkukulang sila.
Ang totoo, kapag nagkakamali ka, baka iniisip nilang nagkulang sila sa pagpapalaki sa iyo. Halimbawa, kapag nasesermunan ng isang nanay ang kaniyang anak dahil sa mababang grades nito, malamang na ang totoong iniisip niya ay ‘Baka kaya nagkakaganito ang anak ko dahil hindi ko nagagampanan ang obligasyon ko bilang ina.’Relaks Ka Lang!
Anuman ang dahilan kung bakit ka nila pinuna, ang tanong ay, Ano ang dapat mong maging reaksiyon kapag pinupuna ka? Una, huwag kang sumagot nang pabalang. Sinasabi ng Kawikaan 17:27: “Ang sinumang nagpipigil ng kaniyang mga pananalita ay nagtataglay ng kaalaman, at ang taong may kaunawaan ay malamig ang espiritu.” Kapag napupuna ka, paano mo mapananatiling “malamig ang [iyong] espiritu”? Subukan ang sumusunod:
Makinig. Sa halip na mangatuwiran o ipagdiinan na wala kang kasalanan, pigilin ang iyong emosyon at makinig na lang sa sinasabi ng iyong mga magulang. Pinayuhan ng alagad na si Santiago ang mga Kristiyano na maging “matulin sa pakikinig, mabagal sa pagsasalita, mabagal sa pagkapoot.” (Santiago 1:19) Kung sinasagot mo ang mga magulang mo habang pinagsasabihan ka nila, iisipin nilang hindi ka nakikinig. Tiyak na mayayamot sila sa iyo at lalo ka lang masesermunan.
Magpokus sa sinabi, hindi sa paraan ng pagkakasabi. Kung minsan baka maisip mong masakit magsalita ang mga Kawikaan 13:24.
magulang mo. Pero sa halip na maghimutok ka dahil sa paraan nila ng pagsasalita, magtuon ka na lang ng pansin sa sinasabi nila. Tanungin ang iyong sarili: ‘Ano ba ang nagawa ko kaya nasabi nila iyon? Dati na ba akong napagsabihan tungkol dito? May mawawala ba sa akin kung susunod ako sa kanila?’ Oo, baka nasaktan ka nga sa sinabi nila, pero tandaan mo na mahal ka nila kaya ka nila pinagsasabihan. Kung galit sila sa iyo, pababayaan ka na lang nila.—Aminin ang iyong pagkakamali. Kung aaminin mo ang iyong pagkakamali, ipinakikita nito na naintindihan mo ang sinasabi nila. Halimbawa, baka sabihin ng nanay mo: “Hindi ko na nakitang maayos ang kuwarto mo. Kung hindi mo iyan lilinisin, hindi ka makakaalis ng bahay!” Baka sa tingin mo, maayos naman ang kuwarto mo. Pero kung mangangatuwiran ka pa, baka lalo lamang silang mainis. Sa halip na kontrahin sila, mas mabuti pang pakinggan mo na lang sila at magalang na sabihin: “Sori po. Lilinisin ko na lang po pagkakain.” Kung ganiyan ang gagawin mo, malamang na lumamig ang ulo nila. Siyempre, kailangan mong gawin ang ipinagagawa sa iyo ng magulang mo.—Efeso 6:1.
Huwag kaagad mangatuwiran. Gawin mo muna ang sinabi nila bago ka mangatuwiran. Kawikaan 10:19) Kapag nakita ng mga magulang mo na nakikinig ka sa kanila, mas malamang na makinig din sila iyo.
“Ang sumusupil sa kaniyang mga labi ay kumikilos nang may kapantasan,” ang sabi ng Bibliya. (Alin sa apat na nabanggit ang kailangan mong pasulungin? Isulat dito. ․․․․․
Bakit Sulit?
Handa ka bang magpakahirap para makahanap ng ginto? Buweno, sinasabi ng Bibliya na ang karunungan ay higit pa sa pilak o ginto. (Kawikaan 3:13, 14) Paano ka magiging marunong? Ganito ang sinasabi ng Kawikaan 19:20: “Makinig ka sa payo at tumanggap ka ng disiplina, upang maging marunong ka sa iyong kinabukasan.” Oo, hindi madaling tumanggap ng payo at disiplina. Pero kung pupulutin mo ang bawat maliliit na aral kapag nasesermunan ka, makakaipon ka ng kayamanang higit pa sa ginto.
Aminin na natin: Ang pamumuna ay bahagi na ng buhay. Naranasan mo nang punahin ka ng iyong mga magulang at
mga guro. Sa hinaharap kapag nagtatrabaho ka na, magkakaroon ka ng amo at mga katrabaho na pupuna rin sa iyo. Kaya ngayon pa lang, matuto ka nang tumanggap ng pamumuna. Kung gagawin mo iyon, magiging mahusay kang estudyante ngayon at maaasahang empleado sa hinaharap. Magkakaroon ka rin ng kumpiyansa sa sarili. Kaya sulit talaga kung matututo kang tumanggap ng pamumuna!Paano kung pakiramdam mo’y wala ka nang kalayaan dahil sa sobrang higpit ng mga magulang mo? Tingnan kung paano ka matututong makontento sa kalayaang ibinigay sa iyo at kung paano madaragdagan ang tiwala sa iyo ng mga magulang mo.
TEMANG TEKSTO
“Ang taong marunong ay makikinig at kukuha ng higit pang turo.”—Kawikaan 1:5.
TIP
Para mas madali mong matanggap ang pagtutuwid sa iyo ng mga magulang mo
● Pasalamatan mo ang anumang komendasyong sinabi nila kasama ng puna.
● Tanungin mo sila kung hindi mo maintindihan kung bakit ka nila pinupu- na at kung ano ang gusto nilang mangyari.
ALAM MO BA . . . ?
Ang ilang magulang ay nahihirapang magpakita ng pagmamahal sa kanilang mga anak dahil sila mismo ay napagkaitan din ng pagmamahal at pang-unawa ng kanilang mga magulang.
ANG PLANO KONG GAWIN!
Sa susunod na punahin ako ng mga magulang ko, ang gagawin ko ay ․․․․․
Kung sa tingin ko’y di-makatuwiran ang pamumuna ng mga magulang ko, ang gagawin ko ay ․․․․․
Ang mga gusto kong itanong sa (mga) magulang ko hinggil sa bagay na ito ay ․․․․․
ANO SA PALAGAY MO?
● Bakit kaya hindi madaling tanggapin ang pamumuna?
● Bakit ka kaya pinupuna ng mga magulang mo?
● Ano ang puwede mong gawin para makinabang ka sa ipinapayo ng mga magulang mo sa iyo?
[Blurb sa pahina 177]
“Lagi na lang akong sinisigawan ng nanay ko; lagi ko rin siyang sinasagot. Pero ngayon sinisikap ko nang sundin ang sinasabi ng Salita ng Diyos. Nakatulong ito sa akin. Nagbago na rin ang pakikitungo sa akin ni Inay. Dahil sa tulong ng Bibliya, mas naiintindihan ko na siya ngayon. Mas malapít na kami sa isa’t isa.”—Marleen
[Larawan sa pahina 180]
Kung pupulutin mo ang bawat maliliit na aral kapag nasesermunan ka, makakaipon ka ng kayamanang higit pa sa ginto