Mabuting Halimbawa—Ang Tatlong Hebreo
Mabuting Halimbawa—Ang Tatlong Hebreo
Sina Hananias, Misael, at Azarias ay nakatayo sa kapatagan ng Dura, malapit sa Babilonya. Ang lahat ng taong nasa palibot nila ay nakaluhod at nakayuko sa lupa sa harap ng malaking imahen. Sa kabila ng panggigipit sa kanila ng mga tao roon at ng mga banta ng hari, nanindigan ang tatlong kabataang ito. Magalang pero matatag nilang sinabi kay Nabucodonosor na hindi magbabago ang pasiya nilang paglingkuran si Jehova.—Daniel 1:6; 3:17, 18.
Bata pa ang mga lalaking ito noong ipatapon sila sa Babilonya. Naipakita nila ang kanilang katapatan sa murang edad pa lamang—tumanggi silang kumain ng mga pagkaing marahil ay ipinagbabawal noon sa Kautusan ng Diyos. Kaya naman naging handa silang harapin ang iba pang mas mabibigat na pagsubok nang maging adulto na sila. (Daniel 1:6-20) Mula sa kanilang karanasan, napatunayan nilang isang katalinuhan na sundin si Jehova. Ganiyan din ba ang determinasyon mong sundin ang mga pamantayan ng Diyos kahit ginigipit ka ng iba? Kung ngayong bata ka pa lang ay sinasanay mo na ang sarili mo na sundin si Jehova kahit sa maliliit na bagay, mas makapananatili kang tapat kay Jehova pagdating sa mahihirap na hamon sa buhay.—Kawikaan 3:5, 6; Lucas 16:10.