Pumunta sa nilalaman

Ano ang Kaharian ng Diyos?

Ano ang Kaharian ng Diyos?

Ito ba ay . . .

  • nasa puso ng tao?

  • ang makasama ang Panginoon?

  • gobyerno sa langit?

ANG SABI NG BIBLIYA

“Ang Diyos ng langit ay magtatatag ng isang kaharian na hindi mawawasak kailanman.”—Daniel 2:44, Bagong Sanlibutang Salin.

“Isang anak na lalaki ang ibinigay sa atin; at ang pamamahala ay iaatang sa balikat niya.”—Isaias 9:6.

ANO ANG MAITUTULONG NITO SA IYO?

MAPANINIWALAAN BA NATIN ANG SINASABI NG BIBLIYA?

Oo, sa dalawang dahilan:

  • Ipinakita ni Jesus kung ano ang gagawin ng Kaharian ng Diyos. Tinuruan ni Jesus ang mga tagasunod niya na ipanalanging dumating ang Kaharian ng Diyos at mangyari ang kalooban ng Diyos sa lupa. (Mateo 6:9, 10) Ipinakita ni Jesus kung paano sasagutin ang panalanging iyon.

    Nang nasa lupa si Jesus, nagpakain siya ng mga tao, nagpagaling ng mga maysakit, at bumuhay ng mga patay! (Mateo 15:29-38; Juan 11:38-44) Bilang Tagapamahala ng Kaharian ng Diyos, ipinakita ni Jesus kung ano ang gagawin ng Kaharian para sa mga mamamayan nito.—Apocalipsis 11:15.

  • Pinatutunayan ng mga kalagayan sa mundo na malapit nang dumating ang Kaharian ng Diyos. Inihula ni Jesus na bago dumating ang Kaharian sa lupa, magkakaroon muna ng mga digmaan, taggutom, at lindol.—Mateo 24:3, 7.

    Kitang-kita na natin ang mga kalagayang iyan. Makakaasa tayo na malapit nang wakasan ng Kaharian ng Diyos ang lahat ng ganitong problema.

PAG-ISIPAN ITO

Ano ang magiging buhay sa ilalim ng pamamahala ng Kaharian ng Diyos?

Sinasagot iyan ng Bibliya sa AWIT 37:29 at ISAIAS 65:21-23.