KABANATA 5
Ang Pantubos—Ang Pinakamahalagang Regalo ng Diyos
-
Ano ba ang pantubos?
-
Paano ito inilaan?
-
Paano ka makikinabang dito?
-
Paano mo maipakikita na pinahahalagahan mo ito?
1, 2. (a) Kailan nagkakaroon ng malaking halaga sa iyo ang isang regalo? (b) Bakit masasabing ang pantubos ang pinakamahalagang regalo na maaari mong matanggap?
ANO ang pinakamahalagang regalong natanggap mo? Hindi naman kailangang maging mamahalin ang isang regalo para maging mahalaga. Kung sa bagay, hindi naman sinusukat ang tunay na halaga ng isang regalo sa salaping ipinambili rito. Sa halip, kapag ang isang regalo ay nagdulot sa iyo ng kaligayahan o napunan nito ang isang tunay na pangangailangan sa iyong buhay, malaki ang halaga nito sa iyo.
2 Sa maraming regalo na maaaring hinahangad mong matanggap, mayroong isa na nakahihigit sa lahat. Kaloob ito ng Diyos sa sangkatauhan. Marami nang ibinigay si Jehova sa atin, ngunit ang pinakamahalagang regalo niya sa atin ay ang haing pantubos ng kaniyang Anak, si Jesu-Kristo. (Mateo 20:28) Gaya ng makikita natin sa kabanatang ito, ang pantubos ang pinakamahalagang regalo na puwede mong matanggap, sapagkat makapagdudulot ito sa iyo ng di-mapapantayang kaligayahan at makasasapat sa pinakamahahalagang pangangailangan mo. Sa katunayan, ang pantubos ang pinakadakilang kapahayagan ng pag-ibig ni Jehova para sa iyo.
ANO BA ANG PANTUBOS?
3. Ano ba ang pantubos, at ano muna ang kailangan nating maintindihan upang maunawaan kung gaano kahalaga ang regalong ito?
3 Sa simpleng pananalita, ang pantubos ang paraan ni Jehova upang tubusin, o iligtas, ang sangkatauhan mula sa kasalanan at kamatayan. (Efeso 1:7) Upang maunawaan ang kahulugan ng turong ito sa Bibliya, kailangan nating balikan ang nangyari sa hardin ng Eden. Upang maunawaan natin kung bakit gayon na lamang kahalaga sa atin ang regalong pantubos, kailangan muna nating maintindihan kung ano ang naiwala ni Adan noong magkasala siya.
4. Ano ang kahulugan para kay Adan ng sakdal na buhay bilang tao?
4 Nang lalangin ni Jehova si Adan, binigyan Niya ito ng isang bagay na talagang mahalaga—sakdal na buhay bilang tao. Pag-isipan kung ano ang kahulugan nito para kay Adan. Palibhasa’y ginawang sakdal ang kaniyang katawan at isip, hindi siya kailanman magkakasakit, tatanda, o mamamatay. Bilang sakdal na tao, mayroon siyang pantanging kaugnayan kay Jehova. Sinasabi ng Bibliya na si Adan ay “anak ng Diyos.” (Lucas 3:38) Kaya matalik ang kaugnayan ni Adan sa Diyos na Jehova, katulad ng kaugnayan ng isang anak sa isang maibiging ama. Nakipagtalastasan si Jehova sa kaniyang makalupang anak, anupat binigyan si Adan ng kasiya-siyang mga atas at ipinaalam sa kaniya kung ano ang inaasahan sa kaniya.—Genesis 1:28-30; 2:16, 17.
5. Ano ang ibig sabihin ng Bibliya nang banggitin nito na si Adan ay ginawa “ayon sa larawan ng Diyos”?
5 Ginawa si Adan “ayon sa larawan ng Diyos.” (Genesis 1:27) Hindi naman iyan nangangahulugang magkamukha si Adan at ang Diyos. Gaya ng natutuhan natin sa Kabanata 1 ng aklat na ito, si Jehova ay isang di-nakikitang espiritu. (Juan 4:24) Kaya walang dugo at katawang laman si Jehova. Ang pagkakagawa ayon sa larawan ng Diyos ay nangangahulugang nilalang si Adan na may mga katangiang kagaya ng sa Diyos, kasama na ang pag-ibig, karunungan, katarungan, at kapangyarihan. Si Adan ay kagaya ng kaniyang Ama sa isa pang mahalagang paraan dahil mayroon siyang kalayaang magpasiya. Kaya naman, si Adan ay hindi gaya ng isang makina na umaandar lamang alinsunod sa pagkakadisenyo o pagkakaprograma rito. Sa halip, makagagawa siya ng personal na mga desisyon, at makapamimili sa tama at mali. Kung pinili sana niyang sundin ang Diyos, mabubuhay siya magpakailanman sa Paraiso sa lupa.
6. Nang sumuway si Adan sa Diyos, ano ang naiwala niya, at paano naapektuhan ang kaniyang mga supling?
6 Kung gayon, maliwanag na nang sumuway si Adan sa Diyos at mahatulang mamatay, napakalaking halaga ang ibinayad niya. Dahil sa kaniyang kasalanan, naiwala niya ang kaniyang sakdal na buhay bilang tao lakip na ang lahat ng pagpapala nito. (Genesis 3:17-19) Nakalulungkot, naiwala ni Adan ang napakahalagang buhay na ito hindi lamang para sa kaniyang sarili kundi pati na rin sa kaniyang magiging mga supling. Ganito ang sabi ng Salita ng Diyos: “Sa pamamagitan ng isang tao [si Adan] ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan at ang kamatayan sa pamamagitan ng kasalanan, at sa gayon ang kamatayan ay lumaganap sa lahat ng tao sapagkat silang lahat ay nagkasala.” (Roma 5:12) Oo, nagmana tayong lahat ng kasalanan mula kay Adan. Kaya naman, sinabi ng Bibliya na “ipinagbili” niya ang kaniyang sarili at ang kaniyang mga supling sa pagkaalipin sa kasalanan at kamatayan. (Roma 7:14) Walang pag-asa si Adan o si Eva dahil kusang-loob nilang pinili na sumuway sa Diyos. Pero kumusta naman ang kanilang mga supling, kabilang na tayo?
7, 8. Ang isang pantubos ay pangunahin nang nagsasangkot ng anong dalawang bagay?
7 Sinagip ni Jehova ang sangkatauhan sa pamamagitan ng pantubos. Ano ba ang pantubos? Ang ideya ng pantubos ay pangunahin nang nagsasangkot ng dalawang bagay. Una, ang pantubos ang halagang ibinabayad upang mapalaya o matubos ang isang bagay. Maihahambing ito sa halagang ibinabayad para matubos ang isang batang kinidnap. Ikalawa, ang pantubos ang halagang pantakip, o pambayad, sa halaga ng isang bagay. Kagaya naman ito ng halagang ibinabayad bilang pantakip sa nagawang pinsala. Halimbawa, kung
makaaksidente ang isang tao, kailangan niyang bayaran ang eksaktong halaga na katumbas ng bagay na nasira.8 Paano matatakpan ang napakalaking kawalan na idinulot ni Adan sa ating lahat at sa gayon ay mapalaya tayo mula sa pagkaalipin sa kasalanan at kamatayan? Isaalang-alang natin ang pantubos na inilaan ni Jehova at kung paano ka makikinabang dito.
KUNG PAANO INILAAN NI JEHOVA ANG PANTUBOS
9. Anong uri ng pantubos ang kailangan?
9 Yamang isang sakdal na buhay ng tao ang naiwala, walang di-sakdal na buhay ng tao ang makatutubos dito kailanman. (Awit 49:7, 8) Ang kailangan ay isang pantubos na katumbas ng naiwala. Alinsunod ito sa simulain ng sakdal na katarungan na masusumpungan sa Salita ng Diyos, na nagsasabi: “Kaluluwa ang magiging para sa kaluluwa.” (Deuteronomio 19:21) Kaya ano ang makapagtatakip sa halaga ng sakdal na kaluluwa, o buhay ng tao, na naiwala ni Adan? Ang “katumbas na pantubos” na kailangan ay isang sakdal na buhay rin ng tao.—1 Timoteo 2:6.
10. Paano inilaan ni Jehova ang pantubos?
10 Paano inilaan ni Jehova ang pantubos? Isinugo niya sa lupa ang isa sa kaniyang mga sakdal na espiritung anak. Pero hindi isinugo ni Jehova ang basta sinumang espiritung nilalang. Isinugo niya ang isa na pinakamahalaga sa kaniya, ang kaniyang bugtong na Anak. (1 Juan 4:9, 10) Kusang-loob na iniwan ng Anak na ito ang kaniyang makalangit na tahanan. (Filipos 2:7) Gaya ng nalaman natin sa nakaraang kabanata ng aklat na ito, gumawa si Jehova ng himala nang ilipat niya ang buhay ng Anak na ito sa bahay-bata ni Maria. Sa pamamagitan ng banal na espiritu ng Diyos, isinilang si Jesus na isang sakdal na tao at hindi siya saklaw ng parusa ng kasalanan.—Lucas 1:35.
11. Paano magsisilbing pantubos ang isang tao para sa milyun-milyong tao?
11 Paano magsisilbing pantubos ang isang tao para sa marami, sa katunayan, para sa milyun-milyong tao? Buweno, paano ba naging makasalanan ang milyun-milyong tao? Alalahanin na dahil sa pagkakasala, naiwala ni Adan ang mahalagang pag-aaring 1 Corinto 15:45) Sa diwa, hinalinhan ni Jesus si Adan upang iligtas tayo. Sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng kaniyang sakdal na buhay at walang-kapintasang pagsunod sa Diyos, binayaran ni Jesus ang halaga ng kasalanan ni Adan. Sa gayo’y nagdulot ng pag-asa si Jesus sa mga supling ni Adan.—Roma 5:19; 1 Corinto 15:21, 22.
sakdal na buhay bilang tao. Kaya naman, hindi niya ito maipamamana sa kaniyang mga supling. Sa halip, tanging kasalanan at kamatayan ang maipamamana niya. Si Jesus, na tinatawag sa Bibliya na “huling Adan,” ay nagkaroon ng sakdal na buhay bilang tao, at hindi siya kailanman nagkasala. (12. Ano ang napatunayan ng pagdurusa ni Jesus?
12 Detalyadong inilalarawan ng Bibliya ang pagdurusang binatá ni Jesus bago siya mamatay. Naranasan niya ang matinding panghahagupit, malupit na pagbabayubay, at napakasakit na kamatayan sa pahirapang tulos. (Juan 19:1, 16-18, 30; Apendise, sa artikulong “Kung Bakit Hindi Gumagamit ng Krus sa Pagsamba ang Tunay na mga Kristiyano”) Bakit kailangang magdusa si Jesus nang labis-labis? Sa isa sa mga susunod na kabanata ng aklat na ito, makikita natin na kinuwestiyon ni Satanas kung mayroon bang sinumang taong lingkod si Jehova na mananatiling tapat sa ilalim ng pagsubok. Dahil sa pagbabata nang may katapatan sa kabila ng matinding pagdurusa, naibigay ni Jesus ang pinakamainam na sagot sa hamon ni Satanas. Pinatunayan ni Jesus na kayang panatilihin ng isang sakdal na taong may kalayaang magpasiya ang ganap na katapatan sa Diyos anuman ang gawin ng Diyablo. Tiyak na tuwang-tuwa si Jehova sa katapatan ng kaniyang minamahal na Anak!—Kawikaan 27:11.
13. Paano binayaran ang pantubos?
13 Paano binayaran ang pantubos? Nang ika-14 na araw ng buwan ng Nisan ng mga Judio noong 33 C.E., pinahintulutan ng Diyos na patayin ang kaniyang sakdal at walang-kasalanang Anak. Sa gayo’y inihain ni Jesus ang kaniyang sakdal na buhay bilang tao “nang minsanan.” (Hebreo 10:10) Sa ikatlong araw pagkamatay ni Jesus, binuhay siyang muli ni Jehova bilang espiritung nilalang. Sa langit, iniharap ni Jesus sa Diyos ang halaga ng kaniyang sakdal na buhay bilang tao na inihain bilang pantubos na kapalit ng mga supling ni Adan. (Hebreo ) Tinanggap ni Jehova ang halaga ng hain ni Jesus bilang pantubos na kinakailangan upang tubusin ang sangkatauhan mula sa pagkaalipin sa kasalanan at kamatayan.— 9:24Roma 3:23, 24.
KUNG PAANO KA MAKIKINABANG SA PANTUBOS
14, 15. Upang matanggap ang “kapatawaran ng ating mga kasalanan,” ano ang dapat nating gawin?
14 Sa kabila ng ating makasalanang kalagayan, makapagtatamasa tayo ng walang katumbas na mga pagpapala dahil sa pantubos. Talakayin natin ang ilan sa mga kapakinabangang idudulot ng pinakamahalagang kaloob na ito mula sa Diyos sa kasalukuyan at sa hinaharap.
15 Kapatawaran ng mga kasalanan. Dahil sa minanang di-kasakdalan, kailangan nating makipagpunyagi nang puspusan upang gawin ang tama. Lahat tayo ay nagkakasala sa salita man o sa gawa. Ngunit sa pamamagitan ng haing pantubos ni Jesus, makatatanggap tayo ng “kapatawaran ng ating mga kasalanan.” (Colosas 1:13, 14) Subalit para matamo ang kapatawarang iyan, kailangang tayo ay tunay na nagsisisi. Kailangan din nating magsumamo kay Jehova nang may kapakumbabaan, na hinihingi ang kaniyang kapatawaran salig sa ating pananampalataya sa haing pantubos ng kaniyang Anak.—1 Juan 1:8, 9.
16. Ano ang tumutulong sa atin na sambahin ang Diyos taglay ang isang malinis na budhi, at ano ang kahalagahan ng gayong budhi?
16 Isang malinis na budhi sa harap ng Diyos. Ang isang bagbag na budhi ay madaling umakay sa kawalang pag-asa at pagkadama na wala tayong halaga. Gayunman, sa pamamagitan ng kapatawaran na naging posible dahil sa pantubos, tayo’y may-kabaitang binigyan ni Jehova ng pagkakataon na sambahin siya taglay ang malinis na budhi sa kabila ng ating di-kasakdalan. (Hebreo 9:13, 14) Ito ang dahilan kung kaya may kalayaan tayong makipag-usap kay Jehova. Sa gayon, malaya tayong makalalapit sa kaniya sa panalangin. (Hebreo 4:14-16) Ang pagpapanatili ng isang malinis na budhi ay nagbibigay ng kapayapaan ng isip, nagtataguyod ng paggalang sa sarili, at nagdudulot ng kaligayahan.
17. Anong mga pagpapala ang naging posible dahil namatay si Jesus para sa atin?
17 Ang pag-asang buhay na walang hanggan sa isang paraisong lupa. “Ang kabayaran na ibinabayad ng kasalanan ay kamatayan,” ang sabi ng Roma 6:23. Idinagdag ng talata ring iyon: “Ngunit ang kaloob na ibinibigay ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Kristo Jesus na ating Panginoon.” Sa Kabanata 3 ng aklat na ito, tinalakay natin ang mga pagpapala ng dumarating na makalupang Paraiso. (Apocalipsis 21:3, 4) Lahat ng mga pagpapalang iyon sa hinaharap, pati na ang buhay na walang hanggan sa sakdal na kalusugan, ay naging posible dahil namatay si Jesus para sa atin. Upang matamo ang mga pagpapalang iyon, kailangan nating ipakita na pinahahalagahan natin ang regalong pantubos.
PAANO MO MAIPAKIKITA ANG IYONG PAGPAPAHALAGA?
18. Bakit tayo dapat magpasalamat kay Jehova sa paglalaan ng pantubos?
18 Bakit tayo dapat magpasalamat nang lubos kay Jehova dahil sa pantubos? Buweno, ang isang regalo ay lalo nang mahalaga kung nagsasangkot ito ng pagsasakripisyo ng panahon, pagsisikap, o gastos sa bahagi ng nagbigay. Naaantig ang ating puso kapag nakikita natin na ang isang regalo ay kapahayagan ng tunay na pag-ibig sa atin ng nagbigay. Ang pantubos ang pinakamahalaga sa lahat ng regalo, sapagkat ginawa ng Diyos ang Juan 3:16. Ang pantubos ang pinakanamumukod-tanging patotoo ng pag-ibig ni Jehova para sa atin. Katibayan din ito ng pag-ibig ni Jesus, sapagkat kusang-loob niyang ibinigay ang kaniyang buhay alang-alang sa atin. (Juan 15:13) Kung gayon, ang regalong pantubos ay dapat kumumbinsi sa atin na iniibig tayo ni Jehova at ng kaniyang Anak bilang mga indibiduwal.—Galacia 2:20.
pinakamalaking sakripisyo kailanman upang mailaan ito. “Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan anupat ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak,” ang sabi ng19, 20. Sa anu-anong paraan mo maipakikita na pinahahalagahan mo ang regalo ng Diyos na pantubos?
19 Kung gayon, paano mo maipakikita na pinahahalagahan mo ang regalo ng Diyos na pantubos? Una sa lahat, gumawa ng pagsisikap upang higit na makilala ang Dakilang Tagapagbigay, si Jehova. (Juan 17:3) Ang pag-aaral ng Bibliya gamit ang publikasyong ito ay tutulong sa iyo na magawa iyan. Habang dumarami ang kaalaman mo tungkol kay Jehova, sisidhi ang iyong pag-ibig sa kaniya. Ang pag-ibig namang ito ang mag-uudyok sa iyo na palugdan siya.—1 Juan 5:3.
20 Manampalataya sa haing pantubos ni Jesus. Tungkol kay Jesus, ganito ang sinabi: “Siya na nananampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan.” (Juan 3:36) Paano tayo mananampalataya kay Jesus? Ang gayong pananampalataya ay ipinakikita hindi lamang sa salita. “Ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay,” ang sabi ng Santiago 2:26. Oo, ang tunay na pananampalataya ay pinatutunayan ng “mga gawa,” o ng ating mga kilos. Ang isang paraan para maipakita natin na may pananampalataya tayo kay Jesus ay ang paggawa ng ating buong makakaya upang tularan siya hindi lamang sa salita kundi maging sa gawa.—Juan 13:15.
21, 22. (a) Bakit tayo dapat dumalo sa taunang pagdiriwang ng Hapunan ng Panginoon? (b) Ano ang ipaliliwanag sa Kabanata 6 at 7?
21 Dumalo sa taunang pagdiriwang ng Hapunan ng Panginoon. Noong gabi ng Nisan 14, 33 C.E., pinasimulan ni Jesus ang isang espesyal na pagdiriwang na tinatawag sa Bibliya na “hapunan ng Panginoon.” (1 Corinto 11:20; Mateo 26:26-28) Tinatawag ding Memoryal ng kamatayan ni Kristo ang pagdiriwang na ito. Pinasinayaan ito ni Jesus upang tulungan ang kaniyang mga apostol at ang lahat ng tunay na Kristiyanong nabuhay kasunod nila na alalahaning ibinigay niya ang kaniyang kaluluwa, o buhay, bilang pantubos sa pamamagitan ng kaniyang kamatayan bilang sakdal na tao. Hinggil sa pagdiriwang na ito, iniutos ni Jesus: “Patuloy ninyong gawin ito bilang pag-alaala sa akin.” (Lucas 22:19) Ang pagdiriwang ng Memoryal ay nagpapaalaala sa atin ng dakilang pag-ibig na ipinakita kapuwa ni Jehova at ni Jesus may kaugnayan sa pantubos. Maipakikita natin ang ating pagpapahalaga sa pantubos sa pamamagitan ng pagdalo sa taunang pagdiriwang ng Memoryal ng kamatayan ni Jesus. *
22 Ang paglalaan ni Jehova ng pantubos ay tunay na isang di-matutumbasang regalo. (2 Corinto 9:14, 15) Maging ang mga namatay na ay makikinabang sa walang katumbas na regalong ito. Ipaliliwanag ng Kabanata 6 at 7 kung paano.
^ par. 21 Para sa higit pang impormasyon hinggil sa kahulugan ng Hapunan ng Panginoon, tingnan ang Apendise, sa artikulong “Ang Hapunan ng Panginoon—Isang Pagdiriwang na Nagpaparangal sa Diyos.”