APENDISE A
Mga Katotohanang Gustong-gusto Nating Ituro
Sinabi ni Jesus na kapag narinig ng tapat-pusong mga tao ang katotohanan, malalaman nilang katotohanan iyon. (Juan 10:4, 27) Kaya sa tuwing nakakausap natin ang mga tao, gusto nating sabihin sa kanila ang mga katotohanan sa Bibliya na madaling maintindihan. Subukan mong itanong: “Alam mo bang . . . ?” o “Narinig mo na ba na . . . ?” Pagkatapos, gumamit ng teksto na magpapaliwanag sa katotohanang iyon. Kung gagawin mo iyan, baka nga makapagtanim ka na ng katotohanan sa puso ng isang tao, at kaya itong palaguin ng Diyos!—1 Cor. 3:6, 7.
HINAHARAP
-
1. Makikita sa mga nangyayari ngayon at sa ugali ng mga tao na malapit nang magkaroon ng pagbabago.—Mat. 24:3, 7, 8; Luc. 21:10, 11; 2 Tim. 3:1-5.
-
2. Hindi kailanman mawawasak ang lupa.—Awit 104:5; Ecles. 1:4.
-
3. Magiging maganda ulit ang lupa.—Isa. 35:1, 2; Apoc. 11:18.
-
4. Mawawala na ang sakit at kapansanan.—Isa. 33:24; 35:5, 6.
-
5. Puwede kang mabuhay magpakailanman sa lupa.—Awit 37:29; Mat. 5:5.
PAMILYA
-
6. Dapat “mahalin ng [asawang lalaki] ang kaniyang asawang babae gaya ng sarili niya.”—Efe. 5:33; Col. 3:19.
-
7. Dapat magkaroon ng matinding paggalang ang asawang babae sa kaniyang asawang lalaki.—Efe. 5:33; Col. 3:18.
-
8. Dapat maging tapat ang mag-asawa sa isa’t isa.—Mal. 2:16; Mat. 19:4-6, 9; Heb. 13:4.
-
9. Mapapabuti ang mga anak kapag iginagalang at sinusunod nila ang mga magulang nila.—Kaw. 1:8, 9; Efe. 6:1-3.
DIYOS
-
10. May pangalan ang Diyos.—Awit 83:18; Jer. 10:10.
-
11. May mahalagang mensahe sa atin ang Diyos.—2 Tim. 3:16, 17; 2 Ped. 1:20, 21.
-
12. Hindi nagtatangi ang Diyos.—Deut. 10:17; Gawa 10:34, 35.
-
13. Gusto tayong tulungan ng Diyos.—Awit 46:1; 145:18, 19.
PANALANGIN
-
14. Gusto ng Diyos na manalangin tayo sa kaniya.—Awit 62:8; 65:2; 1 Ped. 5:7.
-
15. Tinuturuan tayo ng Bibliya kung paano mananalangin.—Mat. 6:7-13; Luc. 11:1-4.
-
16. Dapat na lagi tayong manalangin.—Mat. 7:7, 8; 1 Tes. 5:17.
JESUS
-
17. Si Jesus ay isang mahusay na guro at laging nakakatulong ang mga payo niya.—Mat. 6:14, 15, 34; 7:12.
-
18. Inihula ni Jesus ang mga pangyayaring nakikita natin ngayon.—Mat. 24:3, 7, 8, 14; Luc. 21:10, 11.
-
19. Si Jesus ay Anak ng Diyos.—Mat. 16:16; Juan 3:16; 1 Juan 4:15.
-
20. Hindi si Jesus ang Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat.—Juan 14:28; 1 Cor. 11:3.
KAHARIAN NG DIYOS
-
21. Ang Kaharian ng Diyos ay isang totoong gobyerno sa langit.—Dan. 2:44; 7:13, 14; Mat. 6:9, 10; Apoc. 11:15.
-
22. Papalitan ng Kaharian ng Diyos ang lahat ng gobyerno ng tao.—Awit 2:7-9; Dan. 2:44.
-
23. Ang Kaharian ng Diyos ang tanging solusyon sa problema ng tao.—Awit 37:10, 11; 46:9; Isa. 65:21-23.
PAGDURUSA
-
24. Hindi sa Diyos galing ang pagdurusa natin.—Deut. 32:4; Sant. 1:13.
-
25. Si Satanas ang tagapamahala ng mundong ito.—Luc. 4:5, 6; 1 Juan 5:19.
-
26. Nakikita ng Diyos ang pagdurusa mo at gusto ka niyang tulungan.—Awit 34:17-19; Isa. 41:10, 13.
-
27. Malapit nang alisin ng Diyos ang pagdurusa.—Isa. 65:17; Apoc. 21:3, 4.
KAMATAYAN
-
28. Walang alam ang mga patay; hindi sila pinapahirapan.—Ecles. 9:5; Juan 11:11-14.
-
29. Hindi tayo kayang tulungan o gawan ng masama ng mga patay.—Awit 146:4; Ecles. 9:6, 10.
-
30. Bubuhaying muli ang mga namatay nating mahal sa buhay.—Job 14:13-15; Juan 5:28, 29; Gawa 24:15.
-
31. “Mawawala na ang kamatayan.”—Apoc. 21:3, 4; Isa. 25:8.
RELIHIYON
-
32. Hindi lahat ng relihiyon ay katanggap-tanggap sa Diyos.—Jer. 7:11; Mat. 7:13, 14, 21-23.
-
33. Ayaw ng Diyos sa mga mapagkunwari.—Isa. 29:13; Mik. 3:11; Mar. 7:6-8.
-
34. Ang tunay na pag-ibig ang pagkakakilanlan ng tunay na relihiyon.—Mik. 4:3; Juan 13:34, 35.