Ikalawang Hari 21:1-26

21  Si Manases+ ay 12 taóng gulang nang maging hari, at 55 taon siyang namahala sa Jerusalem.+ Ang pangalan ng kaniyang ina ay Hepziba. 2  Ginawa niya ang masama sa paningin ni Jehova at tinularan ang kasuklam-suklam na mga gawain ng mga bansang+ pinalayas ni Jehova mula sa harap ng Israel.+ 3  Muli niyang itinayo ang matataas na lugar na winasak ng ama niyang si Hezekias,+ at nagtayo siya ng mga altar para kay Baal at gumawa ng sagradong poste,*+ gaya ng ginawa ni Ahab na hari ng Israel.+ At yumukod siya sa buong hukbo ng langit at naglingkod sa mga ito.+ 4  Nagtayo rin siya ng mga altar sa bahay ni Jehova,+ ang bahay na tinutukoy ni Jehova nang sabihin niya: “Sa Jerusalem ko ilalagay ang pangalan ko.”+ 5  At nagtayo siya ng mga altar para sa buong hukbo ng langit+ sa dalawang looban* ng bahay ni Jehova.+ 6  At sinunog niya ang sarili niyang anak bilang handog; nagsagawa siya ng mahika, naghanap ng mga tanda,+ at nag-atas ng mga espiritista at manghuhula.+ Napakarami niyang ginawang masama sa paningin ni Jehova para galitin siya. 7  Ang inukit na imahen, ang sagradong poste*+ na ginawa niya, ay ipinasok niya sa bahay na tinutukoy ni Jehova nang sabihin Niya kay David at sa anak nitong si Solomon: “Permanente kong ilalagay ang pangalan ko sa bahay na ito at sa Jerusalem, na pinili ko mula sa lahat ng tribo ng Israel.+ 8  At hindi ko paaalisin ang Israel sa* lupaing ibinigay ko sa mga ninuno nila+ kung susundin nilang mabuti ang lahat ng iniutos ko sa kanila,+ ang buong Kautusan na sinabi ng lingkod kong si Moises na sundin nila.” 9  Pero hindi sila sumunod, at patuloy silang iniligaw ni Manases, kaya mas masahol pa ang ginawa nila kaysa sa ginawa ng mga bansang nilipol ni Jehova sa harap ng mga Israelita.+ 10  Si Jehova ay patuloy na nagsalita sa pamamagitan ng mga lingkod niyang propeta.+ Sinabi niya: 11  “Ginawa ni Manases na hari ng Juda ang lahat ng kasuklam-suklam na bagay na ito; mas masama ang ginawa niya kaysa sa lahat ng ginawa ng mga Amorita+ na nauna sa kaniya,+ at pinagkasala niya ang Juda sa pamamagitan ng kaniyang kasuklam-suklam na mga idolo.* 12  Kaya ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel: ‘Magpapadala ako ng malaking kapahamakan sa Jerusalem+ at sa Juda, at mangingilabot ang* sinumang makaririnig nito.+ 13  At iuunat ko sa ibabaw ng Jerusalem ang pising panukat+ na ginamit sa Samaria+ at gagamitin ang nibel* na ginamit sa sambahayan ni Ahab,+ at pupunasan ko ang Jerusalem para luminis ito, gaya ng isang mangkok na pinupunasan para luminis at saka itinataob.+ 14  Pababayaan ko ang natira sa aking mana+ at ibibigay ko sila sa kamay ng mga kaaway nila, at magiging mga samsam sila ng lahat ng kaaway nila,+ 15  dahil ginawa nila ang masama sa paningin ko at patuloy nila akong ginagalit mula nang araw na lumabas sa Ehipto ang mga ninuno nila hanggang sa araw na ito.’”+ 16  Nagpadanak din si Manases ng napakaraming dugo ng inosenteng mga tao hanggang sa mapuno niya ang buong Jerusalem;+ hindi pa kasama rito ang kasamaang ginawa niya nang udyukan niya ang Juda na magkasala at gumawa ng masama sa paningin ni Jehova. 17  Ang iba pang nangyari kay Manases at ang lahat ng ginawa niya at ang mga kasalanan niya ay nakasulat sa aklat ng kasaysayan ng mga hari ng Juda. 18  Pagkatapos, si Manases ay namatay* at inilibing sa hardin ng bahay niya, sa hardin ni Uza;+ at ang anak niyang si Amon ang naging hari kapalit niya. 19  Si Amon+ ay 22 taóng gulang nang maging hari, at namahala siya nang dalawang taon sa Jerusalem.+ Ang kaniyang ina ay si Mesulemet na anak ni Haruz na mula sa Jotba. 20  Patuloy niyang ginawa ang masama sa paningin ni Jehova, gaya ng ginawa ng ama niyang si Manases.+ 21  Tinularan niya ang lahat ng ginawa ng ama niya, at patuloy siyang naglingkod at yumukod sa kasuklam-suklam na mga idolo na pinaglingkuran ng ama niya.+ 22  Kaya iniwan niya si Jehova na Diyos ng kaniyang mga ninuno, at hindi siya lumakad sa daan ni Jehova.+ 23  Bandang huli, nagsabuwatan ang mga lingkod ni Amon laban sa kaniya at pinatay ang hari sa sarili niyang bahay. 24  Pero pinatay ng bayan ang lahat ng nagsabuwatan laban kay Haring Amon, at ginawa nilang hari ang anak niyang si Josias kapalit niya.+ 25  Ang iba pang nangyari kay Amon, ang mga ginawa niya, ay nakasulat sa aklat ng kasaysayan ng mga hari ng Juda. 26  Kaya inilibing nila siya sa kaniyang libingan sa hardin ni Uza,+ at ang anak niyang si Josias+ ang naging hari kapalit niya.

Talababa

Tingnan sa Glosari.
O “bakuran.”
Tingnan sa Glosari.
Lit., “hindi ko na muling pagagalain ang paa ng Israel mula sa.”
Ang terminong Hebreo para dito ay puwedeng iugnay sa isang salita para sa “dumi ng hayop” at isang ekspresyon ng paghamak.
Lit., “mangingilabot ang dalawang tainga ng.”
O “hulog,” instrumentong ibinibitin para matiyak na tuwid ang pagkakatayo ng isang istraktura.
Lit., “humigang kasama ng mga ama niya.”

Study Notes

Media