Mga Awit 120:1-7
Awit ng Pag-akyat.*
120 Tumawag ako kay Jehova sa paghihirap ko,+At sinagot niya ako.+
2 O Jehova, iligtas mo ako* sa sinungaling na labiAt sa mapandayang dila.
3 Ano ang gagawin Niya sa iyo, at paano ka Niya paparusahan,*Ikaw na mapandayang dila?+
4 Sa pamamagitan ng matutulis na palaso+ ng mandirigmaAt ng nagniningas na mga baga+ ng punong retama.
5 Kaawa-awa ako, dahil tumira ako bilang dayuhan sa Mesec!+
Naninirahan ako sa gitna ng mga tolda ng Kedar.+
6 Napakatagal ko nang naninirahangKasama ng mga napopoot sa kapayapaan.+
7 Ako ay para sa kapayapaan, pero kapag nagsasalita ako,Sila ay para sa digmaan.
Talababa
^ Lit., “at ano ang idaragdag Niya sa iyo?”