Mga Awit 26:1-12

Awit ni David. 26  Hatulan mo ako, O Jehova, dahil lumakad* ako nang tapat;+Laging buo ang tiwala ko kay Jehova.+  2  O Jehova, suriin mo ako at subukin;Dalisayin mo ang kaloob-looban ng aking isip* at ang aking puso.+  3  Dahil ang iyong tapat na pag-ibig ay laging nasa harap ko,At lumalakad ako sa iyong daan ng katotohanan.+  4  Hindi ako sumasama sa* mga taong mapanlinlang,+At iniiwasan ko ang mga mapagkunwari.  5  Napopoot ako sa masasama,+At hindi ako nakikihalubilo sa kanila.*+  6  Huhugasan ko ang mga kamay ko dahil wala akong kasalanan,At lalakad ako sa palibot ng iyong altar, O Jehova,  7  Para iparinig ang pasasalamat ko+At ihayag ang lahat ng iyong kamangha-manghang gawa.  8  Jehova, iniibig ko ang bahay na iyong tinitirhan,+Ang lugar kung saan naroon ang iyong kaluwalhatian.+  9  Huwag mo akong puksain kasama ng mga makasalanan,+At huwag mong kunin ang buhay ko kasama ng mga taong mararahas.* 10  Ang mga kamay nila ay gumagawa ng kahiya-hiyang mga bagay,At ang kanang kamay nila ay punô ng suhol. 11  Pero ako, lalakad* ako nang tapat. Iligtas* mo ako at kaawaan. 12  Nakatayo ako sa patag na lugar;+Sa malaking kongregasyon,* pupurihin ko si Jehova.+

Talababa

O “namuhay.”
O “ang kaibuturan ng aking damdamin.” Lit., “ang aking mga bato.”
Lit., “umuupong kasama ng.”
Lit., “umuupong kasama nila.”
O “nagpapadanak ng dugo.”
O “mamumuhay.”
Lit., “Tubusin.”
Lit., “pagtitipon.”

Study Notes

Media