Mga Awit 62:1-12
Sa direktor; sa Jedutun.* Awit ni David.
62 Tahimik akong naghihintay sa Diyos.
Siya ang nagliligtas sa akin.+
2 Siya ang aking bato at tagapagligtas, ang aking ligtas na kanlungan;*+Hindi ako susuray at babagsak.+
3 Hanggang kailan ninyo sasalakayin ang taong gusto ninyong patayin?+
Mapanganib kayong lahat, gaya ng tagilid na pader,* isang batong pader na malapit nang bumagsak.
4 Dahil magkakasama silang nagpaplano para pabagsakin siya sa mataas niyang posisyon;Natutuwa silang magsinungaling.
Bumibigkas sila ng pagpapala, pero sa loob nila ay sumusumpa sila.+ (Selah)
5 Tahimik akong naghihintay sa Diyos+Dahil siya ang nagbibigay sa akin ng pag-asa.+
6 Siya ang aking bato at tagapagligtas, ang aking ligtas na kanlungan;Hindi ako susuray.+
7 Nasa Diyos ang aking kaligtasan at kaluwalhatian.
Ang aking matibay na bato, ang aking kanlungan, ay ang Diyos.+
8 Lagi kayong magtiwala sa kaniya, O bayan.
Ibuhos ninyo sa kaniya ang laman ng puso ninyo.+
Ang Diyos ay kanlungan natin.+ (Selah)
9 Ang mga anak ng tao ay parang hininga lang,Ang mga anak ng sangkatauhan ay isang ilusyon.+
Kapag pinagsama-sama sa timbangan, mas magaan pa sila kaysa sa hininga.+
10 Huwag kayong magtiwala sa pangingikilO umasa sa pagnanakaw.
Kapag dumami ang kayamanan ninyo, huwag ninyong ipako rito ang isip* ninyo.+
11 Dalawang beses kong narinig ang sinabi ng Diyos,Na ang kalakasan ay sa Diyos.+
12 At nagpapakita ka ng tapat na pag-ibig, O Jehova,+Dahil ginagantihan mo ang bawat isa ayon sa mga ginagawa niya.+
Talababa
^ O “aking mataas at ligtas na lugar.”
^ O posibleng “Lahat kayo, na para bang isa siyang tagilid na pader.”
^ Lit., “ituon ang puso.”