Mga Awit 80:1-19
Sa direktor; sa himig ng “Mga Liryo.” Isang paalaala. Awit ni Asap.+
80 O Pastol ng Israel, makinig ka,Ikaw na pumapatnubay sa Jose na parang isang kawan.+
Ikaw na nakaupo sa trono sa ibabaw* ng mga kerubin,+Suminag ka.*
2 Sa harap ng Efraim at ng Benjamin at ng Manases,Ipakita mo ang iyong lakas;+Pumarito ka at iligtas mo kami.+
3 O Diyos, tanggapin mo kaming muli;+Pasinagin mo ang iyong mukha sa amin, para maligtas kami.+
4 O Jehova na Diyos ng mga hukbo, hanggang kailan ka magagalit sa panalangin ng bayan mo?+
5 Pinakakain mo sila ng luha bilang kanilang tinapay,At pinaiinom mo sila ng napakaraming luha.
6 Hinahayaan mong pag-awayan kami ng kalapít na mga bansa;Inaalipusta kami ng mga kaaway namin kapag gusto nila.+
7 O Diyos ng mga hukbo, tanggapin mo kaming muli;Pasinagin mo ang iyong mukha sa amin, para maligtas kami.+
8 Pinaalis mo sa Ehipto ang isang punong ubas.+
Pinalayas mo ang mga bansa at itinanim ito.+
9 Naghawan ka ng isang lugar para dito,At nag-ugat ito at pinuno ang lupa.+
10 Natakpan ng lilim nito ang mga bundok,At ng mga sanga nito ang mga sedro ng Diyos.
11 Umabot sa dagat ang mga sanga nito,At sa Ilog*+ ang mga supang nito.
12 Bakit mo giniba ang mga batong pader ng ubasan,+Kaya ang lahat ng dumadaan ay pumipitas ng bunga nito?+
13 Sinisira ito ng mga baboy-ramo mula sa gubat,At nanginginain dito ang mga hayop sa parang.+
14 O Diyos ng mga hukbo, pakisuyong bumalik ka.
Tingnan mo kami mula sa langit!
Alagaan mo ang punong ubas na ito,+
15 Ang sanga* na itinanim ng kanang kamay mo,+At tingnan mo ang anak* na pinalakas mo para sa iyong sarili.+
16 Sinusunog ito,+ pinuputol.
Naglalaho sila dahil sa pagsaway mo.*
17 Alalayan nawa ng kamay mo ang taong nasa kanan mo,Ang anak ng tao na pinalakas mo para sa iyong sarili.+
18 At hindi ka namin tatalikuran.
Panatilihin mo kaming buháy, para makatawag kami sa pangalan mo.
19 O Jehova na Diyos ng mga hukbo, tanggapin mo kaming muli;Pasinagin mo ang iyong mukha sa amin, para maligtas kami.+
Talababa
^ O posibleng “pagitan.”
^ O “Ipakita mo ang iyong kaningningan.”
^ Eufrates.
^ O “pinakakatawan ng punong ubas.”
^ O “sanga.”
^ Lit., “ng iyong mukha.”