Mga Awit 91:1-16

91  Ang sinumang naninirahan sa lihim na lugar ng Kataas-taasan+Ay nanganganlong sa lilim ng Makapangyarihan-sa-Lahat.+   Sasabihin ko kay Jehova: “Ikaw ang aking kanlungan at moog,*+Ang aking Diyos na pinagtitiwalaan ko.”+   Ililigtas ka niya mula sa bitag ng manghuhuli ng ibon,Mula sa kapaha-pahamak na salot.   Tatakpan* ka niya ng kaniyang mga bagwis,At manganganlong ka sa ilalim ng kaniyang mga pakpak.+ Ang katapatan niya+ ay magiging isang malaking kalasag+ at pananggalang na pader.*   Hindi ka matatakot sa mga bagay na nakapangingilabot sa gabi,+O sa palaso na lumilipad sa araw,+   O sa salot na gumagala sa dilim,O sa pagkapuksa na nananalanta sa katanghaliang-tapat.   Isang libo ang mabubuwal sa tabi moAt sampung libo sa kanan mo,Pero hindi iyon lalapit sa iyo.+   Manonood ka langHabang pinaparusahan* ang masasama.   Dahil sinabi mo: “Si Jehova ang kanlungan ko,”Ginawa mong tahanan* mo ang Kataas-taasan;+ 10  Walang kapahamakang mangyayari sa iyo,+At walang salot na lalapit sa tolda mo. 11  Dahil uutusan niya ang mga anghel niya+Na bantayan ka saan ka man magpunta.+ 12  Bubuhatin ka nila+Para hindi tumama sa bato ang paa mo.+ 13  Ang leon at ang kobra ay tatapakan mo;Yuyurakan mo ang malakas na leon at ang malaking ahas.+ 14  Sinabi ng Diyos: “Dahil mahal niya ako, ililigtas ko siya.+ Poprotektahan ko siya dahil alam* niya ang pangalan ko.+ 15  Tatawag siya sa akin, at sasagutin ko siya.+ Tutulungan ko siya sa panahon ng paghihirap.+ Ililigtas ko siya at luluwalhatiin. 16  Gagantimpalaan ko siya ng mahabang buhay,+At ipapakita ko sa kaniya ang pagliligtas ko.”+

Talababa

O “tanggulan.”
O “Ipagsasanggalang.”
O “at tanggulan.”
Lit., “ginagantihan.”
O posibleng “tanggulan; kanlungan.”
O “kinikilala.”

Study Notes

Media