Isaias 53:1-12
53 Sino ang nanampalataya sa sinabi* namin?+
At kanino ipinakita ni Jehova ang lakas* niya?+
2 Sisibol siyang gaya ng isang maliit na sanga+ sa harap niya,* gaya ng isang ugat mula sa tuyot na lupain.
Hindi siya matikas, at hindi siya marilag;+At sa paningin namin, hindi siya kaakit-akit.*
3 Siya ay hinamak at iniwasan,+Isang taong nakauunawa ng* kirot at sakit.
Parang nakatago ang mukha niya sa amin.*
Hinamak siya, at winalang-halaga namin siya.+
4 Siya mismo ang nagdala ng aming mga sakit,+At pinasan niya ang aming mga kirot.+
Pero itinuring namin siyang sinalot, sinaktan ng Diyos at pinahirapan.
5 Pero sinaksak siya+ dahil sa mga kasalanan namin;+Pinahirapan siya dahil sa mga pagkakamali namin.+
Siya ang tumanggap ng parusa para magkaroon kami ng kapayapaan,+At dahil sa mga sugat niya ay gumaling kami.+
6 Gaya ng mga tupa, lahat kami ay naliligaw,+Nagkaniya-kaniya kami ng daan,At ipinasan sa kaniya ni Jehova ang mga kasalanan naming lahat.+
7 Pinahirapan siya+ at hinayaan niyang pagmalupitan siya,+Pero hindi niya ibinuka ang bibig niya.
Dinala siya sa katayan gaya ng isang tupa,+Gaya ng isang babaeng tupa na tahimik sa harap ng mga manggugupit nito,At hindi niya ibinuka ang bibig niya.+
8 Dahil sa di-makatarungang hatol* ay pinatay* siya;At sino ang magbibigay-pansin sa mga detalye ng pinagmulan* niya?
Inalis siya sa lupain ng mga buháy;+Dahil sa kasalanan ng bayan ko ay tumanggap siya ng hampas.*+
9 At binigyan siya ng libingan* kasama ng masasama+At kasama ng mayayaman* noong mamatay siya,+Kahit na wala siyang ginawang mali*At hindi siya nagsalita nang may panlilinlang.+
10 Pero kalooban ni* Jehova na maghirap siya, at hinayaan Niyang magdusa siya.
Kung ibibigay mo ang buhay* niya bilang handog para sa pagkakasala,+Makikita niya ang mga supling* niya, mapahahaba niya ang buhay niya,+At sa pamamagitan niya ay magtatagumpay ang kinalulugdan* ni Jehova.+
11 Dahil sa pagdurusa niya, makakakita siya ng mabubuting bagay at masisiyahan.
Sa pamamagitan ng kaalaman niya, aakayin ng matuwid kong lingkod+Ang maraming tao para magkaroon sila ng matuwid na katayuan,+At papasanin niya ang mga pagkakamali nila.+
12 Dahil diyan, bibigyan ko siya ng bahagi kasama ng marami,At ibabahagi niya ang samsam sa mga makapangyarihan,Dahil ibinuhos niya ang sarili niya hanggang sa kamatayan+At itinuring na isa sa mga makasalanan;+Dinala niya ang kasalanan ng maraming tao,+At namagitan siya para sa mga makasalanan.+
Talababa
^ O posibleng “narinig.”
^ Lit., “bisig.”
^ Maaaring tumutukoy sa isang nagmamasid o sa Diyos.
^ O “walang natatangi sa hitsura niya para magustuhan namin siya.”
^ O “nauukol sa.”
^ O posibleng “Para siyang isang tao na ayaw tingnan ng iba.”
^ O “ay pinatay siya.”
^ O “naging buhay.” Lit., “henerasyon.”
^ Lit., “sa paniniil at hatol.”
^ Lit., “kinuha.”
^ O “At may magbibigay ng sarili niyang libingan.”
^ Lit., “mayaman.”
^ O “marahas.”
^ O “kalooban.”
^ Lit., “ang binhi.”
^ O “Pero nalugod si.”