Job 30:1-31

30  “Ngayon ay pinagtatawanan nila ako+—Mga lalaking mas bata sa akin,Na anak ng mga taongHindi ko man lang patutulungin sa mga asong nagbabantay sa kawan ko.  2  Ano ang silbi sa akin ng lakas nila? Wala na silang sigla.  3  Nanghihina sila dahil sa kakapusan at gutom;Ngumunguya sila ng buhangin sa tuyot na lupainNa wasak na at tiwangwang.  4  Nangunguha sila ng maalat na dahon* mula sa mga palumpongAt mapapait na ugat ng puno* para makain.  5  Pinalalayas sila sa komunidad;+Sinisigawan sila ng mga tao na parang magnanakaw sila.  6  Nakatira sila sa dalisdis ng mga bangin,*Sa mga lungga sa lupa at mga uka sa malalaking bato.  7  Dumaraing sila mula sa mga palumpongAt nagsisiksikan sa mga halamang kulitis.  8  Dahil anak sila ng mga mangmang at walang kabuluhan,*Itinataboy sila mula sa* lupain.  9  Pero ngayon, tinutuya nila ako kahit sa mga kanta nila;+Naging tampulan ako ng panlalait nila.*+ 10  Kinasusuklaman nila ako at nilalayuan;+Hindi sila nagdadalawang-isip na duraan ako sa mukha.+ 11  Dahil ginawa akong walang kalaban-laban ng Diyos* at ibinaba niya ako,Hindi na sila nagpipigil* sa harap ko. 12  Sama-sama silang sumasalakay mula sa kanan ko;Pinatakas nila ako,Pero naglagay naman sila ng mga bitag* sa daan para ipahamak ako. 13  Sinisira nila ang dadaanan koAt pinalalala ang paghihirap ko;+Walang pumipigil* sa kanila. 14  Pumapasok sila na parang may malaking butas sa pader;Sumusugod sila sa kabila ng pagkawasak. 15  Nababalot ako ng takot;Ang dangal ko ay tinatangay na gaya ng hangin,At ang kaligtasan ko ay naglalahong gaya ng ulap. 16  Ngayon ay malapit na akong mamatay;+Hindi ako iniwan ng mga araw ng paghihirap ko.+ 17  Tumatagos sa buto ko ang kirot* kapag gabi;+Ayaw akong tigilan ng sakit.+ 18  Napipilipit ang kasuotan ko dahil sa malakas na puwersa;*Naging gaya ito ng masikip na kuwelyong sumasakal sa akin. 19  Inihagis ako ng Diyos sa putikan;Naging gaya na lang ako ng alabok at abo. 20  Humihingi ako sa iyo ng tulong, pero hindi ka sumasagot;+Tumayo ako, pero tiningnan mo lang ako. 21  Naging malupit ka sa akin;+Ginamit mo ang buong lakas ng kamay mo para saktan ako. 22  Binubuhat mo ako at pinatatangay sa hangin;Pagkatapos ay inihahagis mo ako sa bagyo.* 23  Dahil alam kong ibababa mo ako sa libingan,*Sa bahay na pupuntahan ng lahat ng nabubuhay. 24  Pero walang magpapabagsak sa taong walang kalaban-laban*+Habang humihingi siya ng tulong sa panahon ng paghihirap niya. 25  Hindi ba umiyak ako para sa mga nagdurusa? Hindi ba nalungkot ako para sa mahihirap?+ 26  Kabutihan ang inaasahan ko, pero kasamaan ang dumating;Liwanag ang hinihintay ko, pero kadiliman ang dumating. 27  Laging balisa ang puso ko;Sinalubong ako ng mga araw ng paghihirap. 28  Naglalakad ako nang malungkot;+ walang sikat ng araw. Tumayo ako sa gitna ng mga tao at humingi ng tulong. 29  Naging kapatid ako ng mga chakalAt kasamahan ng mga avestruz.*+ 30  Nangitim ang balat ko at nabakbak;+Nag-iinit* ang mga buto ko. 31  Ang alpa ko ay nagagamit lang para sa pagdadalamhati,At ang plawta* ko para sa pagtugtog sa mga umiiyak.

Talababa

O “punong retama.”
O “ng halamang asin.”
O “wadi.”
O “walang pangalan.”
Lit., “Nilalatigo sila palabas ng.”
Lit., “Naging kasabihan ako sa kanila.”
Lit., “Dahil kinalag niya ang bagting ng búsog ko.”
O “Nagtanggal sila ng renda.”
O “harang.”
O posibleng “tumutulong.”
Lit., “Binabarena ang buto ko.”
O posibleng “Nag-iiba ang hitsura ko dahil sa tindi ng paghihirap ko.”
O posibleng “ay pinaglalaho mo ako sa dagundong.”
Lit., “kamatayan.”
Lit., “sa bunton ng guho.”
Sa Ingles, ostrich.
O posibleng “Nag-iinit dahil sa lagnat.”
O “tipano.”

Study Notes

Media