Job 38:1-41

38  At sinagot ni Jehova si Job mula sa buhawi:+  2  “Sino ba itong nagpapalabo ng payo koAt nagsasalita nang walang kaalaman?+  3  Ihanda mo ang sarili mo, pakisuyo, gaya ng isang lalaki;Tatanungin kita, at sagutin mo ako.  4  Nasaan ka nang ilagay ko ang pundasyon ng lupa?+ Magsalita ka kung talagang may alam ka.  5  Baka alam mo kung sino ang nagtakda ng mga sukat nitoO kung sino ang sumukat nito sa pamamagitan ng pisi.  6  Saan ibinaon ang mga tuntungan nito,O sino ang naglagay ng batong-panulok nito,+  7  Nang magkakasamang humiyaw nang may kagalakan ang mga bituing pang-umaga+At nang sumigaw ng papuri ang lahat ng anak ng Diyos?*+  8  At sino ang nagharang ng mga pinto sa dagat+Nang rumagasa ito mula sa pinanggalingan* nito,  9  Nang damtan ko ito ng mga ulapAt balutin ng makapal at maitim na ulap, 10  Nang lagyan ko ito ng hanggananAt ng mga halang at pinto,+ 11  At nang sabihin ko, ‘Hanggang dito ka lang; hindi ka puwedeng lumampas;Ito ang hangganan ng iyong naglalakihang mga alon’?+ 12  Nautusan mo na ba ang umagaO naipaalám sa bukang-liwayway ang lugar nito?+ 13  Nautusan mo ba ito na puntahan ang mga dulo ng lupaAt palayasin dito ang masasama?+ 14  Ang lupa ay nagiging gaya ng putik* sa ilalim ng pantatak,At malinaw na nakikita ang disenyo nito, gaya ng sa damit. 15  Pero ipinagkakait sa masasama ang liwanag nila,At hindi na sila makapananakit ng mga tao.* 16  Nakapunta ka na ba sa mga bukal ng dagat,O nagalugad mo na ba ang malalim na katubigan?+ 17  Naipakita na ba sa iyo ang mga pinto ng kamatayan,+O nakita mo na ba ang mga pinto ng matinding kadiliman?*+ 18  Alam mo ba kung gaano kalawak ang lupa?+ Sumagot ka kung alam mo ang lahat ng ito. 19  Saan ba talaga naninirahan ang liwanag,+At nasaan ang lugar ng kadiliman? 20  Maibabalik mo ba ito sa teritoryo nito,At alam mo ba ang daan papunta sa tahanan nito? 21  Naipanganak ka na ba noonAt matagal nang nabubuhay* kaya alam mo ito? 22  Nakapasok ka na ba sa mga imbakan ng niyebe,+O nakita mo na ba ang mga imbakan ng graniso,*+ 23  Na inirereserba ko para sa panahon ng kapighatian,Para sa araw ng labanan at digmaan?+ 24  Paano kumakalat ang liwanag,*At saan nanggagaling ang hanging silangan na humihihip sa lupa?+ 25  Sino ang gumawa ng dadaanan ng bahaAt ng ulap na may dalang bagyo at kulog,+ 26  Para umulan sa mga lugar na walang nakatira,Sa ilang kung saan walang tao,+ 27  Para madiligan ang tigang at tiwangwang na mga lupainAt tumubo ang damo?+ 28  May ama ba ang ulan?+Sino ang ama ng hamog?+ 29  Kaninong sinapupunan lumabas ang yelo,At sino ang nagsilang ng niyebe na nasa langit+ 30  Nang ang ibabaw ng mga tubig ay tumigas na parang batoDahil nagyelo ang ibabaw ng malalim na katubigan?+ 31  Maitatali mo ba ang mga lubid ng konstelasyon ng Kima*O makakalag ang mga panali ng konstelasyon ng Kesil?*+ 32  Mapalalabas mo ba ang isang konstelasyon* sa panahon nitoO maaakay ang konstelasyon ng Ash* pati ang mga anak nito? 33  Alam mo ba ang mga batas ng langit,+O maipatutupad mo ba sa lupa ang mga ito?* 34  Mapaaabot mo ba sa mga ulap ang boses moPara magbuhos ito sa iyo ng malakas na ulan?+ 35  Maisusugo mo ba ang mga kidlat? Pupunta ba sila sa iyo at magsasabi, ‘Narito kami!’ 36  Sino ang nagbigay ng karunungan sa mga ulap*+O ang nagbigay ng unawa sa langit?*+ 37  Sino ang ganoon karunong para mabilang ang mga ulap,O sino ang makapagtatagilid ng mga banga ng tubig sa langit+ 38  Para maging putik ang alabokAt magkadikit-dikit ang mga limpak ng lupa? 39  Makapanghuhuli ka ba ng pagkain para sa leonO mabubusog mo ba ang mga batang leon+ 40  Kapag nag-aabang sila sa mga lungga nilaO naghihintay para sumalakay? 41  Sino ang naghahanda ng pagkain para sa uwak+Kapag ang mga inakáy nito ay humihingi ng tulong sa DiyosAt gumagala-gala dahil walang makain?

Talababa

Idyoma sa Hebreo na tumutukoy sa mga anghel.
Lit., “sinapupunan.”
O “luwad.”
Lit., “At binabali ang nakataas na mga bisig nila.”
O “ng anino ng kamatayan?”
Lit., “At marami na ang mga araw mo.”
Mga tipak ng yelo.
O posibleng “kidlat.”
Posibleng ang mga bituin ng Pleiades sa konstelasyong Taurus.
Posibleng ang konstelasyong Orion.
Lit., “Mazarot.”
Posibleng ang konstelasyong Great Bear (Ursa Major).
O posibleng “ang awtoridad Niya?”
O posibleng “sa tao.”
O “sa kababalaghan sa langit?” O posibleng “sa isip?”

Study Notes

Media