Mga Kawikaan 12:1-28
12 Ang umiibig sa disiplina ay umiibig sa kaalaman,+Pero ang napopoot sa saway ay walang unawa.+
2 Ang mabuting tao ay sinasang-ayunan ni Jehova,Pero hinahatulan Niya ang nagpapakana ng masama.+
3 Walang tao ang nagiging panatag dahil sa kasamaan,+Pero ang matuwid ay hindi kailanman mabubuwal.*
4 Ang mahusay na* asawang babae ay korona sa asawa niya,+Pero ang asawang babaeng gumagawi nang kahiya-hiya ay parang kabulukan sa mga buto nito.+
5 Ang kaisipan ng mga matuwid ay makatarungan,Pero ang payo ng masasama ay mapandaya.
6 Ang mga salita ng masasama ay gaya ng taong nag-aabang para pumatay,*+Pero ang bibig ng mga matuwid ay nagliligtas.+
7 Kapag pinabagsak ang masasama, lubusan na silang mawawala,Pero ang bahay ng mga matuwid ay mananatiling nakatayo.+
8 Pinupuri ang isang tao dahil maingat siyang magsalita,+Pero hinahamak ang may pilipit na puso.+
9 Mas mabuti pang maging di-kilala pero may tagapaglingkodKaysa maging mayabang pero wala namang makain.*+
10 Inaalagaan ng matuwid ang alaga niyang hayop,*+Pero kahit ang awa ng masama ay malupit pa rin.
11 Ang nagsasaka ng lupa niya ay mabubusog,+Pero ang naghahabol sa walang-kabuluhang mga bagay ay kulang sa unawa.*
12 Kinaiinggitan ng masama ang nahuli ng ibang masasama,Pero ang matuwid ay gaya ng puno na malalim ang ugat at nagbubunga.
13 Ang masama ay nabibitag ng makasalanan niyang pananalita,+Pero ang matuwid ay nakatatakas sa pagdurusa.
14 Napapabuti ang isang tao dahil sa pananalita* niya,+At pinagpapala siya dahil sa mga gawa ng kamay niya.
15 Ang lakad ng mangmang ay tama sa paningin niya,+Pero ang marunong ay tumatanggap ng payo.+
16 Ang mangmang ay nagpapakita agad ng pagkainis,*+Pero hindi pinapansin* ng marunong ang insulto.
17 Ang tapat na testigo ay magsasabi ng katotohanan,*Pero ang sinungaling na testigo ay nanlilinlang.
18 Ang mga salitang hindi pinag-isipan ay gaya ng mga saksak ng espada,Pero ang dila ng marurunong ay nagpapagaling.+
19 Ang mga labi na nagsasabi ng katotohanan ay mananatili magpakailanman,+Pero ang dilang nagsisinungaling ay hindi magtatagal.+
20 Ang panlilinlang ay nasa puso ng mga nagpaplano ng masama,Pero may kagalakan ang mga nagtataguyod* ng kapayapaan.+
21 Walang mangyayaring masama sa matuwid,+Pero ang buhay ng masasama ay mapupuno ng kapahamakan.+
22 Ang sinungaling na mga labi ay kasuklam-suklam kay Jehova,+Pero ang mga tapat ay kalugod-lugod sa kaniya.
23 Hindi sinasabi ng marunong ang nalalaman niya,Pero inilalabas ng mangmang* ang sarili niyang kamangmangan.+
24 Ang kamay ng masisipag ay mamamahala,+Pero ang kamay ng mga tamad ay magiging alipin.+
25 Ang sobrang pag-aalala ay nagpapabigat sa puso ng* tao,+Pero ang positibong salita ay nagpapasaya rito.+
26 Sinusuri ng matuwid ang mga pastulan niya,Pero ang landas ng masasama ang nagliligaw sa kanila.
27 Hindi hinahabol ng tamad ang huhulihin niyang hayop,+Pero ang kasipagan ay mahalagang yaman ng isang tao.
28 Ang landas ng katuwiran ay umaakay sa buhay;+Walang kamatayan sa daang ito.
Talababa
^ O “mabubunot.”
^ O “may-kakayahang.”
^ Lit., “naghihintay para sa dugo.”
^ Lit., “tinapay.”
^ Lit., “kapos ang puso.”
^ Lit., “bunga ng bibig.”
^ O “nagpapakita ng pagkainis sa araw ding iyon.”
^ Lit., “Pero tinatakpan.”
^ Lit., “ng kung ano ang matuwid.”
^ Lit., “nagpapayo.”
^ Lit., “puso ng mangmang.”
^ O “nagpapadepres sa.”