Oseas 4:1-19
4 Pakinggan ninyo ang salita ni Jehova, O bayang Israel,Dahil si Jehova ay may kaso laban sa mga nakatira sa lupain,+Dahil wala sa lupain ang katotohanan o tapat na pag-ibig o kaalaman sa Diyos.+
2 Laganap ang mga panatang di-totoo, pagsisinungaling,+ pagpatay,+Pagnanakaw, at pangangalunya;+At walang tigil ang pagdanak ng dugo.+
3 Kaya ang lupain ay magdadalamhati+At ang lahat ng naninirahan doon ay manghihina;Ang maiilap na hayop sa parang at ang mga ibon sa langit,Kahit ang mga isda sa dagat, ay mamamatay.
4 “Pero huwag nang makipagtalo o sumaway+ ang sinuman,Dahil ang iyong bayan ay gaya ng mga nakikipagtalo sa isang saserdote.+
5 Kaya matitisod ka habang maliwanag ang araw,At ang propeta ay matitisod ding kasama mo, na parang gabi.
At patatahimikin* ko ang iyong ina.
6 Patatahimikin* ang bayan ko dahil hindi nila ako kilala.
Dahil ayaw mo akong kilalanin,+Itatakwil din kita bilang saserdote ko;At dahil nilimot mo ang kautusan* ng iyong Diyos,+Lilimutin ko ang mga anak mo.
7 Habang dumarami sila, dumarami rin ang kasalanan nila sa akin.+
Gagawin kong kahihiyan ang kaluwalhatian nila.*
8 Kumakain sila mula sa kasalanan ng aking bayan,At gustong-gusto nilang magkasala ang mga ito.
9 Pareho ang mangyayari sa bayan at sa saserdote;Pananagutin ko sila dahil sa landasin nila,At ipararanas ko sa kanila ang resulta ng mga ginagawa nila.+
10 Kakain sila pero hindi mabubusog.+
Makikiapid sila sa marami,* pero hindi sila magkakaanak at darami,+Dahil binale-wala nila si Jehova.
11 Pakikiapid* at alak at bagong alakAng nag-aalis sa kagustuhan ng tao na gawin ang tama.*+
12 Kumokonsulta ang bayan ko sa kanilang kahoy na idolo,At ginagawa nila kung ano ang sinasabi ng baston* nila;Dahil inililigaw sila ng pagnanasa nilang makiapid,At sa pakikiapid nila ay tumatanggi silang magpasakop sa kanilang Diyos.
13 Naghahain sila sa tuktok ng mga bundok+At nagsusunog ng handog sa mga burol,Sa ilalim ng mga puno ng ensina at estorake at bawat malaking puno+Dahil malilim sa mga iyon.
Kaya naman nakikiapid* ang inyong mga anak na babaeAt nangangalunya ang inyong mga manugang na babae.
14 Hindi ko pananagutin ang inyong mga anak na babae sa pakikiapid* nila,At ang inyong mga manugang na babae sa pangangalunya nila.
Dahil ang mga lalaki ay sumama sa mga babaeng bayaranAt naghandog kasama ng mga babaeng bayaran sa templo;Ang gayong mga tao na walang unawa+ ay malilipol.
15 Kahit nakikiapid* ka, O Israel,+Huwag nawang magkasala ang Juda.+
Huwag kayong pumunta sa Gilgal+ o sa Bet-aven,+At huwag ninyong sabihin, ‘Isinusumpa ko, kung paanong buháy si Jehova!’+
16 Dahil gaya ng sutil na baka, ang Israel ay nagpakasutil.+
Kaya papastulan ba sila ni Jehova na gaya ng batang lalaking tupa sa malawak na pastulan?*
17 Hindi maiwan ng Efraim ang mga idolo.+
Pabayaan ninyo siya!
18 Kapag ubos na ang serbesa* nila,Nakikiapid sila sa marami.*
At gustong-gusto ng mga pinuno* niya ang kasiraang-puri.+
19 Ibabalot* siya ng hangin sa mga pakpak nito,At mahihiya sila dahil sa mga hain nila.”
Talababa
^ O “pupuksain.”
^ O “tagubilin.”
^ O “Pupuksain.”
^ O posibleng “Ipinagpalit nila sa kahihiyan ang kaluwalhatian ko.”
^ O “Magiging napakaimoral nila.”
^ Lit., “Ang nag-aalis sa puso.”
^ O “Prostitusyon; Imoralidad.”
^ O “tungkod ng manghuhula.”
^ O “naging babaeng bayaran; naging imoral.”
^ O “prostitusyon; imoralidad.”
^ O “babaeng bayaran; imoral.”
^ Lit., “lugar.”
^ O “serbesang trigo.”
^ O “Nagiging napakaimoral nila.”
^ Lit., “kalasag.”
^ O “Tatangayin.”