Mga Awit 14:1-7

  • Inilarawan ang mangmang

    • “Walang Jehova” (1)

    • “Walang gumagawa ng mabuti” (3)

Sa direktor. Awit ni David. 14  Sinasabi ng mangmang sa sarili: “Walang Jehova.”+ Ang mga ginagawa nila ay napakasama at kasuklam-suklam;Walang gumagawa ng mabuti.+  2  Pero tinitingnan ni Jehova mula sa langit ang mga anak ng taoPara makita kung may sinumang may kaunawaan, kung may sinumang humahanap kay Jehova.+  3  Lahat sila ay lumihis;+Lahat sila ay masasama. Walang gumagawa ng mabuti,Wala kahit isa.  4  Bakit hindi nakakaintindi ang mga gumagawa ng mali? Nilalamon nila ang bayan ko na parang kumakain lang ng tinapay. Hindi sila tumatawag kay Jehova.  5  Pero mababalot sila ng matinding takot,+Dahil si Jehova ay kasama ng henerasyon ng mga matuwid.  6  Kayong masasama, hinahadlangan ninyo ang mga plano ng dukha,Pero si Jehova ang kanlungan niya.+  7  Manggaling nawa sa Sion ang kaligtasan ng Israel!+ Kapag tinipong muli ni Jehova ang kaniyang bayan na binihag,Magalak nawa ang Jacob, magsaya nawa ang Israel.

Talababa