Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Sistema ng Nabigasyon ng Paruparo

Sistema ng Nabigasyon ng Paruparo

 May Nagdisenyo ba Nito?

Sistema ng Nabigasyon ng Paruparo

▪ Sinlaki lang ng dulo ng bolpen ang utak ng paruparong monarch subalit nandarayuhan ito nang hanggang 3,000 kilometro mula Canada patungong maliit na kagubatan sa Mexico. Paano natutunton ng insektong ito ang kaniyang ruta?

Pag-isipan ito: Ang mga paruparong monarch ay may pinaka-kompas na nagtuturo ng direksiyon batay sa posisyon ng araw. Pero hindi lang iyan. Gumagamit din ang mga insektong ito ng napakatumpak na circadian clock—isang biyolohikal na orasan na 24 na oras kada araw—para makaakma sa galaw ng araw. Sinabi ni Dr. Steven Reppert, isang neurobiologist, na “ibang-iba ang circadian clock [ng paruparong monarch] kumpara sa ibang insekto at hayop na napag-aralan na.”

Ang kaalaman tungkol sa sekreto ng likas na orasan ng mga monarch ay maaaring makatulong sa mga siyentipiko na higit pang matuto tungkol sa circadian clock ng mga tao at hayop. Posible rin itong makatulong sa pagtuklas ng bagong mga terapi para sa mga sakit na nauugnay sa utak. “Gusto kong malaman kung paano pumapasok at pinoproseso ng utak ang impormasyon tungkol sa panahon at distansiya,” ang sabi ni Reppert, “at ang monarch ay isang napakahusay na halimbawa.”

Ano sa palagay mo? Nagkataon lamang ba ang masalimuot na sistema ng nabigasyon ng paruparong monarch? O katibayan ito na mayroong isang matalinong Disenyador?

[Dayagram/Mapa sa pahina 10]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

Ang paruparong “monarch” ay nandarayuhan nang hanggang 3,000 kilometro mula Canada patungong maliit na kagubatan sa Mexico

[Mapa]

CANADA

ESTADOS UNIDOS NG AMERIKA

MEXICO

MEXICO CITY

[Picture Credit Line sa pahina 10]

Background: © Fritz Poelking/age fotostock