Ang Mailap na Sand Cat
SA GITNA ng tigang na disyerto, sa kalaliman ng gabi, isang sand cat ang lumabas sa lungga nito at huminto. Tumingin-tingin ito sa paligid at nakiramdam. Habang nakayukyok, tahimik nitong binagtas ang buhanginan.
Biglang-bigla, nilundag ng sand cat ang walang kamalay-malay na biktima nito
Ang matalas na pandinig ng sand cat ay nakatutulong para matagpuan ang sinisila nito, kahit nasa ilalim pa iyon ng lupa
Para makahanap ng mapapangasawa, ang lalaking sand cat ay naglalabas ng matitinis na ungol na parang kahol. Dahil matalas ang pandinig ng babaing sand cat, naririnig niya ito kahit sa malayo
Ang mga balahibo sa talampakan ng sand cat ay nakatutulong para huwag itong lumubog sa buhangin at makayanan ang sobrang init o sobrang lamig ng buhangin
Ang loob ng bawat tainga ay nababalutan ng makapal na puting balahibo para hindi mapasok ng buhanging inililipad ng hangin
Mahirap tuntunin ang sand cat dahil ang talampakan nito ay nababalot ng makapal na balahibo kung kaya halos wala itong iniiwang bakas
Ang mga sand cat ay nabubuhay sa tubig na nakukuha nila sa kanilang mga nasisila
Umaabot nang hanggang 80 digri Celsius ang init ng buhangin sa Kara-Kum Desert. Kung minsan naman, bumababa nang hanggang -25 digri Celsius ang temperatura ng hangin doon