Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

 MAY NAGDISENYO BA NITO?

Ang Balahibo ng Emperor Penguin

Ang Balahibo ng Emperor Penguin

ANG emperor penguin ay nakalalangoy sa tubig at nakalulundag sa yelo nang napakabilis. Paano?

Balahibo ng emperor penguin

Pag-isipan ito: Ang emperor penguin ay nag-iipon ng hangin sa mga balahibo nito. Hindi lang ito panlaban sa sobrang lamig, nakatutulong din ito para ang ibon ay makakilos nang dalawa o tatlong beses na mas mabilis kaysa sa karaniwang nagagawa nito. Paano? Sinasabi ng mga marine biologist na ginagawa ito ng penguin sa pamamagitan ng paglalabas ng maliliit na bula galing sa pagitan ng mga balahibo nito. Habang inilalabas ang mga bula, nababawasan ang friction sa ibabaw ng balahibo ng penguin kung kaya bumibilis ito.

Kapansin-pansin, pinag-aaralan ng mga inhinyero kung paano mapabibilis ang mga barko gamit ang mga bula na makababawas ng friction sa kaha ng mga ito. Gustong gayahin ng mga mananaliksik ang kakayahan ng mga penguin na magbawas ng friction kapag lumalangoy. Sinisikap nilang gumawa ng materyales na gaya ng balahibo ng penguin, pero nahihirapan sila.

Ano sa palagay mo? Ang balahibo ba ng emperor penguin ay resulta ng ebolusyon? O may nagdisenyo nito?