Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

 TAMPOK NA PAKSA | KAPAG NAGKAROON NG TRAHEDYA—PAANO MO ITO HAHARAPIN?

Kapag Nagkaroon ng Trahedya

Kapag Nagkaroon ng Trahedya

HALOS lahat ng tao ay dumaranas ng trahedya sa buhay. Kasama na riyan ang mga taong parang nasa kanila na ang lahat.

SINASABI NG BIBLIYA:

“Ang takbuhan ay hindi sa matutulin, ni ang pagbabaka ay sa mga makapangyarihan, ni ang pagkain man ay sa marurunong, ni ang kayamanan man ay sa mga may-unawa, ni ang lingap man ay sa mga may kaalaman; sapagkat ang panahon at ang di-inaasahang pangyayari ay sumasapit sa kanilang lahat.”Eclesiastes 9:11.

Kung gayon, ang pinag-uusapan dito ay hindi kung mapapaharap ka sa sakuna kundi kung ano ang gagawin mo kapag napaharap ka rito. Halimbawa:

  • Ano ang gagawin mo kapag nawala ang lahat ng ari-arian mo dahil sa kalamidad?

  • Ano ang gagawin mo kapag nalaman mong mayroon kang malubhang sakit?

  • Ano ang gagawin mo kapag namatay ang isang mahal sa buhay?

Ang mga Saksi ni Jehova, tagapaglathala ng magasing ito, ay naniniwalang makatutulong sa iyo ang Bibliya hindi lang para makayanan ang trahedya kundi para magkaroon ng matibay na pag-asa sa hinaharap. (Roma 15:4) Tingnan natin ang tatlong karanasan.