Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pagmamasid sa Daigdig

Pagmamasid sa Daigdig

Israel, Jordan, at Palestine

Ang Dagat na Patay ay bumababaw sa bilis na mga isang metro kada taon. Nangangamba ang ilan na baka tuluyan na itong matuyo pagsapit ng 2050. Ang mga opisyal ay naghahanap ng solusyon. Ang isang opsyon na pinag-aaralan pa ay ang pag-aalis ng asin mula sa tubig ng Dagat na Pula para magamit ng mga tao. Pagkatapos, padadaluyin ang tubig na naalisan ng asin papuntang Dagat na Patay. Natatakot ang mga kritiko na makapinsala ang planong ito sa pambihirang ekosistema ng Dagat na Patay.

Germany

Kapag Pasko, mas marami nang mga sangkatlo ang naoospital dahil sa atake sa puso kaysa sa ibang panahon ng taon, ayon sa survey ng isang insurance company. Sinabi rin nito na ang pangunahing dahilan ay ang tumitinding stress ng mga tao sa kahahanap ng mga panregalo at dahil sobrang taas ang inaasahan sa kanila ng mga kamag-anak at kaibigan nila.

Britain

Iniulat ng mga siyentipikong Britano na ang isang mollusk sa Iceland na inakalang 405 taon ay 507 taon na pala nang ito’y di-inaasahang mamatay noong 2006. Ito na ang nairekord na hayop na may pinakamahabang buhay. * Namatay ang mollusk nang i-freeze ito ng mga mananaliksik para madala sa laboratoryo nila.

Latin America at Caribbean

Sa isang summit na ginanap sa Havana, Cuba, maaga nitong taóng ito, idineklara ng 33 miyembrong bansa ng Community of Latin American at Caribbean States na ang kanilang bansa ay ‘peace zone’ nang mapagkasunduan nilang lutasin ang kanilang alitan nang hindi gumagamit ng dahas. Isa sa mga dumalo ay ang secretary-general ng United Nations na si Ban Ki-moon.

^ par. 7 Hindi kabilang sa terminong “hayop na may pinakamahabang buhay” ang mga kolonya ng mga organismong gaya ng mga korales, na sinasabing libo-libong taon ang buhay.