Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Nasaan Na ang Respeto sa Sarili?

Nasaan Na ang Respeto sa Sarili?

KUNG BAKIT MAHALAGANG IRESPETO ANG SARILI

Kapag may respeto sa sarili ang mga tao, nahaharap nila ang mga problema nang may kumpiyansa. Hindi sila madaling sumuko.

  • Ipinapakita ng pag-aaral na kapag mababa ang tingin ng isa sa sarili niya, mas malamang na masyado siyang mag-alala sa mga bagay-bagay at magkaroon ng depresyon at problema sa pagkain. Mas malaki rin ang tsansang maging alkoholiko siya at gumamit ng droga.

  • Kapag may respeto sa sarili ang isa, iniiwasan niyang ikumpara ang sarili niya sa iba. Dahil diyan, mas madali siyang makibagay sa ibang tao at magkaroon ng mga kaibigan. Pero nagiging mapamuna ang isa na walang masyadong respeto sa sarili, kaya nasisira ang kaugnayan niya sa iba.

  • Kapag napaharap sa mga problema ang isa na may respeto sa sarili, nananatili siyang matatag. Magkamali man siya, nakapokus pa rin siya sa mga goal niya. Pero kapag walang masyadong respeto sa sarili ang isa, kahit ang maliit na problema ay nagiging malaki sa kaniya. Dahil diyan, mas madali siyang sumusuko.

ANG PUWEDE MONG GAWIN

Pumili ng mabubuting kaibigan. Laging makisama sa mga taong may respeto sa iyo, iniisip ang kapakanan mo, at magpapatibay sa iyo.

“Ang tunay na kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon at isang kapatid na maaasahan kapag may problema.”​—Kawikaan 17:17.

Tulungan ang iba. Kapag mabait ka at tumutulong sa iba—pati na sa mga walang maibibigay na kapalit sa iyo—magiging masaya ka dahil sa pagbibigay mo. Totoo iyan kahit parang hindi nakikita ng iba ang mga ginagawa mo.

“May higit na kaligayahan sa pagbibigay kaysa sa pagtanggap.”​—Gawa 20:35.

Tulungan ang mga anak mo na magkaroon ng respeto sa sarili. Magagawa mo iyan kung hahayaan mo silang solusyunan ang mga problema nila, hangga’t kaya nila. Makakatulong iyan para mas makayanan nila ang mas mahihirap na sitwasyon. Kapag natutuhan nilang gawin iyan, mas magkakaroon sila ng respeto sa sarili hanggang sa tumanda sila.

“Sanayin mo ang bata sa landas na dapat niyang lakaran; kahit tumanda siya, hindi siya lilihis dito.”​—Kawikaan 22:6.

ANG GINAGAWA NAMIN

Nakakatulong ang mga pulong at pagba-Bible study naming mga Saksi ni Jehova para mapabuti at magkaroon ng respeto sa sarili ang mga tao.

MGA PULONG NAMIN LINGGO-LINGGO

Sa mga pulong namin, puwedeng dumalo kahit sino at wala itong bayad. May mga pahayag dito na base sa Bibliya. Madalas na napag-uusapan sa mga pahayag na ito kung paano magkaroon ng respeto sa sarili. Halimbawa, malalaman mo sa mga pulong namin . . .

  • kung bakit mahalaga ka sa Diyos

  • kung paano magkakaroon ng layunin ang buhay mo

  • kung paano ka magkakaroon ng matibay at nagtatagal na pagkakaibigan

Makakahanap ka din doon ng mga kaibigan na ‘nagmamalasakit sa isa’t isa.’—1 Corinto 12:​25, 26.

Para sa iba pang detalye tungkol sa mga pulong namin, hanapin sa jw.org ang maikling video na Ano’ng Mayroon sa Kingdom Hall?

PAGTUTURO NAMIN NG BIBLIYA

Nag-aalok kami ng libreng pag-aaral sa Bibliya gamit ang aklat na Masayang Buhay Magpakailanman. Sa aklat na ito, may mga pangunahing teksto, paliwanag na madaling maintindihan, epektibong tanong, video na nakakaantig ng puso, at magagandang larawan. Nakakatulong ang pagtuturo namin ng Bibliya sa mga tao para magkaroon sila ng respeto sa sarili at mas mapabuti ang buhay nila.

Para malaman kung paano makakatulong sa iyo ang pakikipag-Bible study sa mga Saksi ni Jehova, hanapin sa jw.org ang video na Bakit Magandang Mag-aral ng Bibliya?​—Maikling Bersiyon.