GUMISING! Blg. 2 2018 | 12 Sekreto ng Matagumpay na Pamilya
12 Sekreto ng Matagumpay na Pamilya
Nababalitaan natin ang tungkol sa mga pamilyang nagkakawatak-watak. Pero ano kaya ang sekreto ng matagumpay na mga pamilya?
Sa pagitan ng 1990 at 2015 sa United States, dumoble ang divorce rate ng mga mahigit 50 anyos at triple naman sa mga mahigit 65 anyos.
Nalilito ang mga magulang: Ipinapayo ng mga eksperto na laging purihin ang mga anak, pero sinasabi naman ng iba na maging istrikto sa mga ito.
Ang mga kabataan ay nagiging adulto pero wala silang mga skill na kailangan para magtagumpay.
Pero ang totoo . . .
Ang pag-aasawa ay puwedeng maging kasiya-siya at panghabambuhay na pagsasama.
Puwedeng disiplinahin ng mga magulang ang kanilang mga anak nang may pagmamahal.
Puwedeng magkaroon ang mga kabataan ng mga skill na kailangan nila sa pagiging adulto.
Paano? Tinatalakay sa isyung ito ng Gumising! ang 12 sekreto ng matagumpay na pamilya.
1: Commitment
Tatlong praktikal na tip para mapatibay ang pagsasama ng mag-asawa.
2: Teamwork
Para lang ba kayong mag-roommate ng asawa mo?
3: Paggalang
Alamin kung anong pananalita at pagkilos ang kailangan para maramdaman ng asawa mo na iginagalang siya.
4: Pagpapatawad
Ano ang makatutulong sa iyo na huwag magpokus sa mga kapintasan ng asawa mo?
5: Pakikipag-usap
Tatlong mahahalagang hakbang para mas maging malapit ka sa iyong mga anak.
6: Disiplina
Bumababa ba ang tingin sa sarili ng mga bata kapag itinutuwid sila?
7: Pamantayan
Anong mga pamantayan ang dapat mong ituro sa iyong mga anak?
8: Halimbawa
Kung gusto mong sundin ng mga anak mo ang sinasabi mo, dapat na kaayon ito sa ikinikilos mo.
9: Pagkatao
Paano makapaninindigan ang mga kabataan sa kanilang paniniwala?
10: Mapagkakatiwalaan
Mahalagang makuha mo ang tiwala ng iyong mga magulang para maging responsableng adulto ka.
11: Kasipagan
Kapag masipag ka, magtatagumpay ka bilang kabataan at makatutulong ito sa iyo sa hinaharap.
12: Tunguhin
Ang pag-abot sa mga tunguhin ay makadaragdag sa iyong kumpiyansa sa sarili, magpapatibay ng pagkakaibigan, at magdudulot sa iyo ng kaligayahan.
Higit Pang Tulong Para sa Pamilya
Ang payo ng Bibliya ay makatutulong sa iyo na magkaroon ng matagumpay na pag-aasawa at maligayang buhay pampamilya.