Dinadakila ng Pantubos ang Katuwiran ng Diyos
Dinadakila ng Pantubos ang Katuwiran ng Diyos
NANG maghimagsik sina Adan at Eva, sinabi ni Jehova ang kaniyang layuning magbangon ng isang Binhi na susugatan sa sakong. (Genesis 3:15) Natupad ito nang ipabayubay ng mga kaaway ng Diyos si Jesu-Kristo sa pahirapang tulos. (Galacia 3:13, 16) Walang kasalanan si Jesus, yamang makahimala siyang ipinaglihi sa bahay-bata ng isang birhen sa pamamagitan ng kapangyarihan ng banal na espiritu. Dahil dito, magagamit ang kaniyang itinigis na dugo bilang halagang pantubos upang palayain ang mga tao, na nagmana ng kasalanan at kamatayan kay Adan.—Roma 5:12, 19.
Walang makahahadlang sa Diyos na makapangyarihan-sa-lahat, si Jehova, sa pagsasakatuparan ng kaniyang layunin. Kaya nang magkasala ang tao, sa pangmalas ni Jehova ay parang naibayad na ang halagang pantubos at maaari na Siyang makitungo sa mga sumampalataya sa katuparan ng Kaniyang mga pangako. Dahil dito, ang makasalanang mga inapo ni Adan, tulad nina Enoc, Noe, at Abraham, ay maaari nang lumakad na kasama ng Diyos at maging kaibigan niya nang hindi nadudungisan ang kaniyang kabanalan.—Genesis 5:24; 6:9; Santiago 2:23.
Ang ilang indibiduwal na nanampalataya kay Jehova ay nakagawa ng malulubhang kasalanan. Isa na rito si Haring David. Baka itanong mo, ‘Bakit patuloy na pinagpala ni Jehova si Haring David matapos mangalunya si David kay Bat-sheba at ipapatay si Urias na asawa ni Bat-sheba?’ Isang mahalagang dahilan ang tunay na pagsisisi at pananampalataya ni David. (2 Samuel 11:1-17; 12:1-14) Salig sa haing ihahandog ni Jesu-Kristo, mapatatawad ng Diyos ang mga kasalanan ng nagsisising si David at mapananatili pa rin ang Kaniyang sariling katarungan at katuwiran. (Awit 32:1, 2) Bilang patotoo nito, ipinaliliwanag ng Bibliya na ang pinakakamangha-manghang naisagawa ng pantubos ni Jesus ay “ipakita ang . . . sariling katuwiran [ng Diyos], sapagkat pinatatawad niya ang mga kasalanan na naganap noong nakaraan” at “sa kasalukuyang kapanahunang ito.”—Roma 3:25, 26.
Oo, tumatanggap ng malaking kapakinabangan ang sangkatauhan dahil sa halaga ng dugo ni Jesus. Salig sa pantubos, maaaring magkaroon ng matalik na kaugnayan sa Diyos ang nagsisising mga makasalanan. Karagdagan pa, dahil sa pantubos, ang mga patay ay Gawa 24:15) Sa panahong iyon, salig sa pantubos, pagkakalooban ni Jehova ng buhay na walang hanggan ang lahat ng masunuring mga tao. (Juan 3:36) Ipinaliwanag mismo ni Jesus: “Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan anupat ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang bawat isa na nananampalataya sa kaniya ay hindi mapuksa kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” (Juan 3:16) Matatanggap ng sangkatauhan ang lahat ng pakinabang na ito dahil sa inilaan ng Diyos na haing pantubos.
mabubuhay muli sa bagong sanlibutan ng Diyos. Kasali riyan ang tapat na mga lingkod ng Diyos na namatay bago ibinayad ni Jesus ang pantubos at maging ang marami sa mga namatay nang walang alam at hindi sumamba sa Kaniya. Sinasabi ng Bibliya: “Magkakaroon ng pagkabuhay-muli kapuwa ng mga matuwid at mga di-matuwid.” (Gayunman, ang namumukod-tanging aspekto ng pantubos ay hindi ang mga pakinabang na natatanggap natin mula rito. Ang higit na mahalaga ay ang nagagawa ng pantubos ni Kristo sa pangalan ni Jehova. Pinatutunayan nito na si Jehova ay Diyos ng sakdal na katarungan na bagaman nakikitungo sa makasalanang mga tao ay nananatili pa ring dalisay at banal. Kung hindi nilayon ng Diyos na maglaan ng pantubos, walang inapo ni Adan, kahit sina Enoc, Noe, at Abraham, ang makalalakad na kasama ni Jehova o magiging kaibigan niya. Naunawaan ito ng salmista kaya sumulat siya: “Kung mga kamalian ang binabantayan mo, O Jah, O Jehova, sino ang makatatayo?” (Awit 130:3) Kaylaki nga ng dapat nating ipagpasalamat kay Jehova sa pagsusugo sa kaniyang minamahal na Anak sa lupa at kay Jesus sa pagiging handang ibigay ang kaniyang buhay bilang pantubos sa atin!—Marcos 10:45.