Munting Bata na May “Malaking Puso”
Munting Bata na May “Malaking Puso”
ISANG siyam-na-taóng-gulang na batang babae sa Brazil ang nakaipon ng pera. Hinati niya ito sa dalawa—isang 18 dolyar at isang 25 dolyar. Inihulog niya ang mas maliit na halaga sa kahon ng kontribusyon sa kanilang Kingdom Hall para sa mga gastusin ng kongregasyon. Pagkatapos, ipinadala naman niya ang mas malaking halaga sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova. May kasama itong maikling sulat na ganito ang sinasabi: “Gusto ko po itong ibigay para sa pambuong-daigdig na gawain. Gustung-gusto ko pong makatulong sa maraming kapatid sa buong mundo na maipangaral ang mabuting balita. Mahal na mahal ko po kasi si Jehova.”
Ang munting batang ito ay naturuan ng kaniyang mga magulang na dapat siyang magkaroon ng bahagi sa pangangaral ng Kaharian. Naikintal din nila sa kaniyang isip na dapat niyang ‘parangalan si Jehova ng kaniyang mahahalagang pag-aari.’ (Kaw. 3:9) Gaya ng munting batang ito, maging masigasig din sana tayong lahat sa pagsuporta sa gawaing pang-Kaharian, sa ating lugar at sa buong daigdig!