Mabuting Balita sa 500 Wika
Mabuting Balita sa 500 Wika
NANG sumiklab ang gera sibil sa Rwanda, nagsilikas ang maliit na grupo ng mga tagapagsalin tungo sa kampo ng mga lumikas. Iniwan nila ang kanilang mga ari-arian maliban sa kanilang laptop. Bakit? Para patuloy nilang maisalin ang mga publikasyong salig sa Bibliya sa wikang Kinyarwanda.
Isang dalaga sa Timog-Silangang Asia ang nagtatrabaho sa kaniyang computer hanggang sa kalaliman ng gabi. Tinitiis niya ang labis na pagod, init, at paulit-ulit na brownout na gumagambala sa kaniyang gawaing pagsasalin. Ang kaniyang tunguhin? Makaabot sa itinakdang petsa para sa pag-iimprenta.
Ang mga tagapagsalin na ito ay kabilang sa mga 2,300 boluntaryo na naglilingkod sa mahigit 190 lugar sa buong daigdig. Ang edad nila ay mula 20 hanggang halos 90. Puspusan silang gumagawa upang matanggap ng mga tao ang kaaliwan mula sa mensahe ng Bibliya sa 500 wika.—Apocalipsis 7:9.
Pag-abot sa mga Tao na May Iba’t Ibang Wika
Nitong nakalipas na mga taon, walang-katulad ang pagsulong ng gawaing pagsasalin ng mga Saksi ni Jehova. Halimbawa, noong 1985, sabay-sabay na naisasalin Ang Bantayan sa 23 wika—na kahanga-hanga na noong panahong iyon. Sa ngayon, sabay-sabay na inilalathala ito sa 176 na wika upang mabasa at mapag-aralan ng mga tao sa buong daigdig ang iisang impormasyon.
Sa mga 50 wika, Ang Bantayan ang tanging babasahin na regular na inilalathala. Bakit? Kasi walang gaanong kinikita ang mga komersiyal na imprentahan sa paglalathala ng mga literatura sa lokal na mga wika. Samantalang ang mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig ay kusang nagbibigay ng kanilang donasyon upang ang Salita ng Diyos at ang mga publikasyong salig sa Bibliya ay mailathala at maipamahagi sa mga nangangailangan nito.—2 Corinto 8:14.
Labis na pinahahalagahan ng mga tao ang mensahe ng Bibliya sa kanilang sariling wika. Halimbawa, naisalin kamakailan ang mga publikasyong salig sa Bibliya sa Miskito, ang wika ng mga 200,000 katao sa Nicaragua. Isang babae ang humiling ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya * sa Miskito. Nang ihatid ito sa babae, nakita ito ng pastor doon at gusto niya rin ito. Ayaw ibigay sa kaniya ng babae ang aklat, kahit na inalok siya ng pastor na papalitan ito ng 20 kilo ng kapeng barako!
Sa nakalipas na sampung taon, ang mga publikasyong 1 Corinto 3:5-7.
salig sa Bibliya ay naisalin na sa mahigit 12 katutubong wika ng Mexico, kabilang na ang Maya, Nahuatl, at Tzotzil. Sa loob ng wala pang sampung taon, dumami ang mga kongregasyon ng mga katutubong wika at wikang pasenyas ng mga Saksi ni Jehova sa bansang iyon, mula 72 hanggang sa mahigit 1,200. Itinatanim ng mga Saksi ni Jehova sa puso ng mga tao ang binhi ng mensahe ng Bibliya, pero ang Diyos ang nagpapatubo nito.—Modernong Salin ng Bibliya sa 80 Wika
Sa nakalipas na mga taon, nagpagal ang mga Saksi ni Jehova para mailathala ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa 80 wika, sa kumpletong edisyon o bahagi nito. Paano ito tinanggap ng mga tao? Ganito ang sinabi ng isang Saksi sa Timog Aprika tungkol sa Bibliya sa wikang Tswana: “Napakaganda nito. Lalo nitong patitibayin ang aking pagpapahalaga sa Salita ng Diyos. Napakadali at masarap itong basahin.” Isang mambabasa sa Mozambique ang sumulat: “Kahit mayroon ka ng lahat ng publikasyong salig sa Bibliya, kung wala ka namang Bibliya, para itong kulog at kidlat na walang dalang ulan! Pero nang ilabas ang Bagong Sanlibutang Salin sa wikang Tsonga, bumuhos ang ulan.”
Sa kahanga-hangang paraan, ang mga nagsasalin at namamahagi ng mabuting balita ng Bibliya ay tumutupad sa isang hula. Sinabi mismo ni Jesu-Kristo: “Ang mabuting balitang ito ng kaharian ay ipangangaral sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayon ay darating ang wakas.”—Mateo 24:14.
[Talababa]
^ par. 8 Inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
[Graph sa pahina 25]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
BAGONG SANLIBUTANG SALIN
Kumpletong edisyon o bahagi nito
1950 1*
1970 7*
1990 13*
2000 36*
2010 80*
IBANG PUBLIKASYON
1950 88*
1960 125*
1970 165*
1980 190*
1990 200*
2010 500*
*BILANG NG MGA WIKA
[Mga larawan sa pahina 24, 25]
Mga 2,300 boluntaryo ang nagsasalin ng mga literaturang salig sa Bibliya sa 500 wika
BENIN
SLOVENIA
ETIOPIA
BRITANYA