Nakasumpong Sila ng Nakahihigit na mga Bagay
MILYUN-MILYONG Kristiyano ang nagdesisyong huwag magdiwang ng Pasko. Ano ang nadarama nila sa desisyong iyan? Nadarama ba nilang may kulang sa buhay nila? Nadarama ba ng kanilang mga anak na pinagkakaitan sila? Tingnan natin ang sinabi ng mga Saksi ni Jehova mula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Kung magsimba man ako, tuwing Pasko lang o Easter. Pero kahit sa mga okasyong iyon, hindi ko iniisip si Jesu-Kristo. Ngayon, hindi na ako nagpapasko, pero dalawang beses sa isang linggo naman akong dumadalo sa mga pulong Kristiyano at nagtuturo pa nga sa iba hinggil sa sinasabi ng Bibliya tungkol kay Jesus.”—EVE, AUSTRALIA.
Gustung-gusto kong sinosorpresa ako! Mahilig din akong gumawa ng mga kard at magdrowing para ibigay sa iba dahil natutuwa sila, at natutuwa rin ako.”—REUBEN, NORTHERN IRELAND.
Kung minsan, dinadalhan namin sila ng mga bulaklak, cake, o isang maliit na regalo para matuwa sila. Nag-e-enjoy kaming gawin ito dahil nadadalaw namin sila anumang panahon.”—EMILY, AUSTRALIA.
Dahil hindi kami obligadong gawin ito sa ilang partikular na okasyon lamang, hindi kami tensiyonado, at alam ng mga kapamilya namin na mahal namin sila kaya namin sila dinadalaw.”—WENDY, CAYMAN ISLANDS.
Alam ko na ang mga pangako ng Bibliya sa mga tao, panatag na ako. Alam kong magkakaroon ng masayang kinabukasan ang aking mga anak.”—SANDRA, SPAIN.