Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
May layunin ba kung bakit nilikha ang ating planeta?
Ang ating planeta ay tamang-tama para tirhan ng mga bagay na may buhay. Sagana ito sa tubig, na mahalaga sa buhay. Ang orbit, pag-ikot, at pagkakahilig ng axis ng lupa ay tamang-tama lang para hindi magyelo o mag-init nang husto ang karagatan. Pinoprotektahan ng atmospera at ng magnetic field ang lupa mula sa nakamamatay na radyasyon. Kahanga-hanga ang pagtutulungan ng buhay-halaman at buhay-hayop. Kaya naman iniisip ng marami na talagang may layunin ang pagkakadisenyo sa lupa.
Pero baka maitanong mo, ‘Kasama ba sa layuning ito ang pagdurusa at kawalang-katarungan?’
Matutupad ba ang layunin para sa lupa?
Dinisenyo ang lupa para maging masayang tahanan ng mga taong may paggalang sa isa’t isa at umiibig sa kanilang Maylalang. Kaya may nakahihigit na layunin ang pagkakalikha sa mga tao kaysa sa mga hayop at halaman. Puwede nating makilala ang ating Maylalang at pahalagahan at tularan ang kaniyang pag-ibig at katarungan.
Magagawa ng ating Maylikha ang lahat ng gusto niyang gawin. Kaya makatitiyak tayong aalisin niya ang pagdurusa at kawalang-katarungan, at gagawing napakasayang tahanan ng tao ang ating planeta.