Maging Tapat
I-download:
1. Ako’y laging makikinig kay Mommy at Daddy
At susunod sa kanilang sinasabi.
Sila ay igalang, sabi ni Jehova,
Para kaming lahat ay masaya.
(KORO)
’Pag tapat ka kay Jehova,
Ang puso niya’y sasaya.
At ’pag tapat ka kay Jehova,
Siya’y tapat din sa ’yo.
2. Ako’y magiging matapat ’pag may pagsubok.
Lagi akong magtitiwala sa ’king Diyos.
Kahit na ako’y pinagtatawanan,
Tapat pa rin ako kay Jehova.
(KORO)
’Pag tapat ka kay Jehova,
Ang puso niya’y sasaya.
At ’pag tapat ka kay Jehova,
Siya’y tapat din sa ’yo.
’Pag tapat ka kay Jehova,
Siya’y tapat din sa ’yo.