Mga Bible-Reading Plan
Naglalaman ang Bibliya ng pinakamahusay na karunungan para sa pang-araw-araw na buhay. Kung regular mo itong babasahin, bubulay-bulayin, at isasabuhay, “gagawin mong matagumpay ang iyong lakad.” (Josue 1:8; Awit 1:1-3) Makikilala mo rin ang Diyos at ang kaniyang Anak, si Jesus. At ang kaalamang iyan ay aakay sa iyo sa kaligtasan.—Juan 17:3.
Ano ang dapat mong unahin sa pagbabasa ng mga aklat ng Bibliya? May mapagpipilian ka. Sa iskedyul na ito ng pagbabasa ng Bibliya, puwede mong basahin ang mga aklat ng Bibliya ayon sa pagkakasunod-sunod, o ayon sa paksa. Halimbawa, puwede mong basahin ang ilang pilíng bahagi tungkol sa pakikitungo ng Diyos sa sinaunang Israel. Puwede mo ring basahin ang ilang bahagi kung paano nagsimula at lumago ang unang-siglong kongregasyong Kristiyano. Kung magbabasa ka ng isang set ng mga kabanata araw-araw, mababasa mo ang buong Bibliya sa loob ng isang taon.
Naghahanap ka man ng Bible-reading plan para sa bawat araw, para sa isang taon, o para sa mga baguhan, makakatulong sa iyo ang iskedyul na ito. Puwede mong i-download at i-print ang Bible-reading plan na ito, at simulan ito ngayon.