Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pawel Gluza/500Px Plus/Getty Images

PATULOY NA MAGBANTAY!

Bumaba ng 73% ang Bilang ng mga Hayop sa Nakalipas na 50 Taon—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

Bumaba ng 73% ang Bilang ng mga Hayop sa Nakalipas na 50 Taon—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

 Noong Oktubre 9, 2024, naglabas ang World Wildlife Fund ng nakakagulat na report tungkol sa naging epekto sa mga hayop, o wildlife, ng ginagawa ng mga tao. Sinabi sa report na “sa nakalipas na 50 taon (1970-2020), ang bilang ng mino-monitor na wildlife ay bumaba ng 73%.” Bilang babala, sinabi nito: “Hindi maling sabihin na nakabase sa mangyayari sa susunod na limang taon ang magiging kinabukasan ng Lupa.”

 Hindi nakakapagtaka na maraming tao ang nagugulat sa ganiyang mga report. Mahal kasi natin ang magandang planeta natin at ayaw nating makita na nauubos ang mga hayop. Nararamdaman natin ito kasi ganiyan tayo ginawa ng Diyos—may pagmamalasakit sa mga hayop.—Genesis 1:27, 28; Kawikaan 12:10.

 Baka maisip mo, ‘May magagawa ba tayo para maprotektahan ang mga hayop dito sa Lupa? Ano ang sinasabi ng Bibliya?’

Pag-asa sa hinaharap

 Kahit anong pagsisikap ang gawin natin para maprotektahan ang mga hayop, Diyos lang talaga ang makakagawa nito. Inihula ng Bibliya sa Apocalipsis 11:18 na ‘ipapahamak ng Diyos ang mga nagpapahamak sa lupa.’ May matututuhan tayo sa tekstong ito:

  1.  1. Hindi hahayaan ng Diyos na tuluyang masira ng tao ang lupa.

  2.  2. Malapit nang kumilos ang Diyos. Bakit? Kasi ngayon, mas malaking pinsala na ang ginagawa ng mga tao sa mga hayop kumpara noon.

 Paano sosolusyunan ng Diyos ang problemang ito? Gagamitin niya ang kaniyang gobyerno, o Kaharian, sa langit para pamahalaan ang buong lupa. (Mateo 6:10) Tutulungan ng gobyernong iyan ang masunuring mga tao para magkaroon ng kaalaman at kasanayan na kailangan nila para maalagaan at maprotektahan ang mga hayop sa Lupa.—Isaias 11:9.