JW.ORG WEBSITE
Hanapin sa Website
Daan-daang text, audio, at video item ang available sa seksiyong LIBRARY ng jw.org. Gamitin ang mga tip sa artikulong ito para makita ang gusto mong i-search.
Gamitin ang feature na Maghanap
Gamitin ang feature na Maghanap para makita ang hinahanap mong artikulo, video, at iba pa.
I-type dito ang espesipikong salita na hinahanap mo, at pindutin ang Enter o i-click ang Maghanap. Kung alam mo ang ilang salita na ginamit sa publikasyong hinahanap mo, i-type mo lahat iyon. Posibleng lumitaw ang hinahanap mo sa unahan ng listahan ng mga resulta.
Kapag marami ang lumabas na resulta, puwede itong mabawasan gamit ang mga ito:
Pumili ng filter option na makikita sa itaas ng page ng Maghanap. Halimbawa, piliin ang Video para mga video lang ang lilitaw.
I-click ang Tingnan ang Lahat para bawasan ang makikita mong resulta para sa espesipikong kategorya.
Ang mga nasa Watchtower ONLINE LIBRARY pero wala sa jw.org ay makikita rin sa page ng Maghanap.
Hanapin ang espesipikong pamagat ng publikasyon
Kung alam mo ang pamagat o kahit ilang salita lang ng pamagat ng isang publikasyon, gamitin ang paraang binanggit sa ibaba para mabilis mong mahanap ang publikasyon.
Magpunta sa LIBRARY > AKLAT AT BROSYUR.
Sa drop-down list ng Lahat ng Item, i-type ang salita mula sa pamagat ng publikasyong hinahanap mo. Halimbawa, kung ang aklat na Itinuturo ang hinahanap mo, i-type ang “itinuturo.” Mga publikasyon lang na may “itinuturo” sa pamagat ang lilitaw sa drop-down list. Piliin ang pamagat ng aklat na hinahanap mo.
I-click ang Maghanap.
Hanapin ang espesipikong isyu ng magasin
Magpunta sa LIBRARY > MAGASIN.
Kapag lumitaw ang unang page, ipapakita nito ang apat na pinakabagong isyu ng Gumising! at ng Ang Bantayan (edisyong pampubliko) at ang walong pinakabagong isyu ng edisyon para sa pag-aaral ng Ang Bantayan. Para mahanap ang isang espesipikong isyu ng magasin, sundan ito:
Pumili ng espesipikong edisyon ng magasin at taon mula sa mga drop-down list.
I-click ang Maghanap.
Tingnan ang opsiyon sa pagda-download para sa publikasyon
Sa ilang page, may dalawang magkaibang paraan ng pagdispley ng publikasyon—grid view at list view.
I-click ang Grid View para makita ang available na publikasyon na nakaayos nang pahalang. Ito ang default view.
I-click ang List View para makita ang available na publikasyon na nakaayos nang patayo.
Makikita sa bawat publikasyon ang larawan sa pabalat, pamagat ng publikasyon, at ang mga opsiyon sa pagda-download.
Piliin ang pamagat para mabasa ito.
I-click ang Text Option para mabuksan ang Download window.
May ilang publikasyon na mada-download sa iba’t ibang format, gaya ng PDF at JWPUB. May mga publikasyon din na may iba’t ibang edisyon gaya ng regular at malalaking letra.
Piliin ang format at edisyon na gusto mong i-download.
I-click ang Audio para mabuksan ang Download window. Piliin ang audio na gusto mong i-download.
I-click ang Video para mabuksan ang Download window. Piliin ang video na gusto mong i-download.