Sektang Amerikano ba ang mga Saksi ni Jehova?
Ang aming pandaigdig na punong-tanggapan ay nasa Estados Unidos ng Amerika. Pero hindi kami sektang Amerikano dahil . . .
Para sa ilan, ang sekta ay grupong humiwalay sa isang nakatatag nang relihiyon. Hindi humiwalay ang mga Saksi ni Jehova sa ibang relihiyon. Para sa amin, itinatag lang naming muli ang anyo ng Kristiyanismo na nagsimula noong unang siglo.
Ang mga Saksi ni Jehova ay aktibo sa kanilang ministeryo sa mahigit 230 lupain at bansa. Saanman kami nakatira, ang katapatan namin ay sa Diyos na Jehova at kay Jesu-Kristo, hindi sa gobyerno ng Estados Unidos o sa anupamang gobyerno ng tao.—Juan 15:19; 17:15, 16.
Ang lahat ng turo namin ay batay sa Bibliya, hindi sa mga akda ng isang relihiyosong lider sa Estados Unidos.—1 Tesalonica 2:13.
Sinusunod namin si Jesu-Kristo, hindi ang sinumang lider na tao.—Mateo 23:8-10.