Nagbibigay ba ng Ikapu ang mga Saksi ni Jehova?
Hindi. Ang mga Saksi ni Jehova ay hindi nagbibigay ng ikapu; ang gawain namin ay tinutustusan ng boluntaryong mga donasyon. Ano ba ang ikapu, at bakit walang ikapu sa mga Saksi ni Jehova?
Ang utos na magbigay ng ikapu, o ikasampung bahagi ng pag-aari ng isa, ay kasama sa Kautusan na ibinigay sa sinaunang bansang Israel. Pero malinaw na sinasabi ng Bibliya na ang Kautusang ito—pati ang “utos na lumikom ng mga ikapu”—ay hindi kapit sa mga Kristiyano.—Hebreo 7:5, 18; Colosas 2:13, 14.
Sa halip na magbigay ng ikapu at mga handog, tinutularan ng mga Saksi ni Jehova ang unang mga Kristiyano at sinusuportahan ang kanilang ministeryo sa dalawang paraan: sa pamamagitan ng pangangaral at pagtuturo nang walang bayad at pagbibigay ng boluntaryong donasyon.
Kaya sinusunod namin ang tagubilin ng Bibliya sa mga Kristiyano: “Gawin ng bawat isa ang ayon sa ipinasiya niya sa kaniyang puso, hindi mabigat sa loob o sa ilalim ng pamimilit, sapagkat iniibig ng Diyos ang masayang nagbibigay.”—2 Corinto 9:7.