Kailan Isinulat ang mga Ulat Tungkol kay Jesus?
Ang sagot ng Bibliya
Tungkol sa ulat ni apostol Juan sa buhay ni Jesus, isinulat niya: “Siya na nakakita nito ay nagpatotoo, at ang kaniyang patotoo ay tunay, at alam ng taong iyon na nagsasabi siya ng mga bagay na totoo, upang maniwala rin kayo.”—Juan 19:35.
Ang isang dahilan kung bakit mapagkakatiwalaan ang mga ulat ng Ebanghelyo ni Mateo, Marcos, Lucas, at Juan ay na isinulat ang mga ito noong nabubuhay pa ang mga nakasaksi sa mga pangyayaring nakaulat. Ayon sa ilang reperensiya, ang Ebanghelyo ni Mateo ay isinulat kasing-aga noong mga 41 C.E., walong taon pagkamatay ni Kristo. Maraming iskolar ang naniniwalang isinulat ito pagkalipas pa ng 41 C.E., pero sang-ayon ang karamihan na ang lahat ng aklat ng Kristiyanong Griegong Kasulatan ay isinulat noong unang siglo C.E.
Ang mga nakakita kay Jesus noong nabubuhay pa siya rito sa lupa at nakasaksi sa kaniyang kamatayan at pagkabuhay-muli ay makapagsasabi agad kung may maling ulat ang mga Ebanghelyo. Sinabi ng propesor na si F. F. Bruce: “Ang isa sa matibay na patotoo ng mga orihinal na ulat tungkol sa pangangaral ng mga apostol ay na lubusan itong umaayon sa kung ano mismo ang alam ng mga nakarinig dito; hindi lamang nila masasabing, ‘Mga saksi kami sa mga bagay na ito,’ kundi, ‘Gaya ng nalalaman ninyo mismo’ (Gawa 2:22).”