Umiiral ba ang mga Demonyo?
Ang sagot ng Bibliya
Oo. Ang mga demonyo ay “mga anghel na nagkasala,” mga espiritung nilalang na nagrebelde sa Diyos. (2 Pedro 2:4) Ang unang anghel na ginawa ang kaniyang sarili na isang demonyo ay si Satanas na Diyablo, na tinatawag ng Bibliya na “tagapamahala ng mga demonyo.”—Mateo 12:24, 26.
Rebelyon noong panahon ni Noe
Iniuulat ng Bibliya ang isang rebelyon ng mga anghel bago ang Baha noong panahon ni Noe: “Napansin ng mga anak ng tunay na Diyos ang mga anak na babae ng mga tao, na sila ay magaganda; at kumuha sila ng kani-kanilang mga asawa, samakatuwid ay lahat ng kanilang pinili.” (Genesis 6:2) Ang napakasama, o makasalanang mga anghel na iyon ay “nag-iwan ng kanilang sariling wastong tahanang dako” sa langit at nagkatawang-tao upang sumiping sa mga babae.—Judas 6.
Nang sumapit ang Baha, iniwan ng rebeldeng mga anghel ang kanilang katawang-tao at bumalik sa langit. Pero itinakwil sila ng Diyos mula sa kaniyang pamilya. Bilang bahagi ng kanilang kaparusahan, ang mga demonyo ay hindi na maaaring muling magkatawang-tao.—Efeso 6:11, 12.