MAY NAGDISENYO BA NITO?
Ang Dila ng Hummingbird
Noon, sinasabi ng mga scientist na nasisipsip ng hummingbird ang nectar dahil sa capillary action—pag-akyat ng mga liquid sa maninipis na tube. Pero sa mga bagong pag-aaral, nalaman nila na may mas efficient na paraan pala ang ibong ito. Iniipon nito ang nectar sa dila nito.
Pag-isipan ito: Kapag kukuha ng nectar ang hummingbird, mahahati sa dalawa ang dulo ng dila nito na parang dila ng ahas. Sa bawat dulo nito, may maliliit na brush na nakatupi. Kapag sumawsaw ang dila nito sa nectar, bubuka ang mga brush na iyon. Dahil dito, masasalok ng dila ng hummingbird ang nectar imbes na masipsip ito. Kapag ipapasok na ng hummingbird ang dila nito, kabaligtaran ang mangyayari—magsasara ang mga brush sa dalawang dulo ng dila at maiipon ang nectar sa gitna ng mga ito.
Nangyayari ang lahat ng ito, “wala pang 0.1 second,”ang sabi ng mga researcher na sina Alejandro Rico-Guevara, Tai-Hsi Fan, at Margaret Rubega. Sinabi rin nila: “Ang dulo ng dila ng hummingbird ay isang magandang liquid-trapping device na kayang mag-adjust . . . habang sumasawsaw sa mga fluid.”
Isa pa, hindi gumagamit ng energy ang hummingbird para gawin ang lahat ng ito. Dahil sa natural na hugis at kayarian ng mga dulo ng dila ng hummingbird, automatic ang pagbukas at pagsara ng mga ito kapag sumasawsaw sa mga fluid.
Napaka-efficient ng dila ng hummingbird sa pag-ipon ng fluid. Naniniwala ang mga researcher na puwedeng magamit ang disenyo nito sa medisina, robotics, at iba pang field ng science. Makakatulong din ito sa pagdisenyo ng mga tool para sa pag-ipon ng mga liquid o oil spill.
Panoorin ang nangyayari kapag humahaba ang dila ng hummingbird
Ano sa palagay mo? Ang dila ba ng hummingbird ay resulta ng ebolusyon? O may nagdisenyo nito?