Pumunta sa nilalaman

© Kim, Hyun-tae/iNaturalist. Licensed under CC-BY-4.0

MAY NAGDISENYO BA NITO?

Ang Tunog ng Japanese Tree Frog

Ang Tunog ng Japanese Tree Frog

 Ang mga lalaking Japanese tree frog ay kilala sa paggawa ng paulit-ulit na mga tunog. Pero ang totoo, puwedeng makilala ang tunog ng bawat lalaking palaka kahit magkakasama silang nag-iingay. Pinag-aralan ng mga researcher sa Japan ang mga palakang ito. Natuklasan nila na napakaorganisado ng mga lalaking palaka na nasa iisang lugar sa paggawa ng mga tunog para makaakit ng mga babaeng palaka.

 Pag-isipan ito: Gumagawa ng mga tunog ang mga lalaking Japanese tree frog para makaakit ng mga babaeng palaka. Nanggagaling sa mga vocal cord ng mga palakang ito ang tunog at lumalakas kapag dumaan sa vocal sac, isang lumolobong pouch sa lalamunan nila.

 Paano makikilala ang tunog ng isang lalaking palaka kapag may kasama na ito na ibang lalaking palaka? Napag-aralan ng mga researcher na hindi lang basta gumagawa ng mga tunog ang mga Japanese tree frog. Nagsasalitan ang mga tunog nila. Dahil dito, naiiwasan nilang magsabay-sabay ang mga tunog nila. Kaya nakakagawa sila ng malinaw at malakas na chorus ng indibidwal na mga tunog, habang hindi masyadong gumagamit ng energy. At dahil din sa pagsasalitan nila, nakakapagpahinga ang mga palakang ito sa pagitan ng mga chorus.

 Nakakahanga ang organisadong paggawa ng tunog ng mga Japanese tree frog. At gusto itong gayahin ng mga researcher sa wireless communications. Gumagamit sila ng advanced mathematics para maging mas maayos ang timing ng pag-transmit ng iba’t ibang data at hindi magsabay-sabay. Nagresulta ito sa mas maaasahang pag-transmit ng data at mas mababang power consumption.

 Ano sa palagay mo? Ang kakayahan ba ng mga Japanese tree frog na gumawa ng isang chorus ng organisadong mga tunog ay resulta ng ebolusyon? O may nagdisenyo nito?